KC nagpaka-sweet kay Kiko, iniinis si Mega?
Naging maintriga ang ilang Instagram post ni KC Concepcion nitong nakaraang araw, lalo na ang mga litrato nila ng kanyang stepdad na si Sec. Kiko Pangilinan, lalo na yung isang kuha kung saan nakunan silang magkayakap.
Nakita namin ang mga larawan nila habang namamasyal sa kanilang family farm sa Tagaytay.
Ang isa rito ay nilagyan ni KC ng caption na: “In the jungle w/ @kiko.pangilinan. Adventures @sweetspringfarm.#ItsAJungleOutThere #GreatOutdoors #Trekking #Nature #NatureTrek #InTheWild #FarmLife #River #Tropical#SouthEastAsia #SweetSpringCountryFarm #Philippines.”
Pero ang talagang pinag-usapan ng ilang netizens ay ang kuha nina KC at Kiko na magkayakap na may caption na: “Good times from yesterday’s @sweetspringfarm lunch trip w/ @kiko.pangilinan.” Nilgyan pa ito ng TV host-actress ng hashtags na, “#THANKYOU” “#DadDaughterDay” at “#FamilyFarm.”
Bukod dito, ibinalita rin ni KC na nagkausap na rin sila ng kanyang younger sister na si Frankie sa pamamagitan ng internet, “I only FaceTime goofs like me. #LittleSis.”
Kaya ang tanong ng madlang pipol: Nasaan na nga ba ang ina ni KC na si Megastar Sharon Cuneta? Bakit nawawala siya sa eksena? Bakit wala siya sa mga picture na ipinost ni KC sa social media?
Ibig sabihin raw ba nito hanggang ngayon ay magkagalit pa rin ang mag-ina? Kamakailan kasi ay naging malaking issue ang pag-amin nina KC at Sharon na meron nga silang hindi pagkakaintindihan at mukhang malalim nga ang naging ugat nito.
Sey naman ni KC, totoong hindi sila okay ng kanyang nanay pero aniya, mahal na mahal pa rin niya ito kaya mas mabuting huwag na siyang magdetalye tungkol dito para na rin sa proteksiyon ng kanilang pamilya.
May isa namang nagsabi na parang nananadya naman daw si KC, kung kailan daw alam na ng buong mundo na may away silang mag-ina ay saka pa raw itong nagpo-post ng mga litrato kasama si Kiko. Hindi raw ito magandang tingnan.
Ano namang mase-say mo rito Mega?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.