MANANG,
Si Becs po ito, 17 years old, taga-Laguna,
Manang, may problema po kasi ako, may ex po ako. Ngayon po di ko po maintindihan ‘yung feelings ko kung mahal ko pa siya o hindi. Kasi po, nalaman ko po na magka-text at magkachat po sila palagi ng tropa ko na parang kapatid ko na po.
Sa kanya pa po ako nag-open nung nag-break kami ng ex ko. Ngayon po, di po ako pinapansin ng tropa ko, di ko po alam kung bakit.
Manang, ano po ba dapat kong gawin? May feelings pa po ba ako sa kanya?
Becs, Laguna
Magandang araw sa’yo Becs ng Laguna.
Gusto ko lang linawin Becs kung saan ka mas affected? Nalilito ka ba kung may feeling ka pa sa ex mo o dahil hindi ka na pinapansin ng ka-tropa mo?
I’m guessing both.
Ask yourself kung may feelings ka pa sa ex mo, sa tingin ko ikaw lang makakasagot nun. Balikan mo rin ang rason ng paghihiwalay n’yo. Was it mutual? Sino ba ang nakipaghiwalay? Chances are, kung siya ang nakipaghiwalay sa iyo, baka naman may feelings ka pa nga sa kanya at hindi ka pa nakakaget-over kasi nga affected ka pa.
Resolve this on your own and figure out kung worth it ba na magkaroon pa ng feelings sa ex. Tandaan, feelings are fleeting. Maaaring sa ilang mga araw mawala rin ito. Makakalimutan. So keep your emotions intact and just relax while you figure things out.
Sa ka-tropang hindi namamansin, maybe ask that person why. Ask him or her directly kung anong problema. I don’t see anything wrong with asking.
Ang payo ng tropa
Ikaw lang ang makakasagot ng problema mo kung meron ka pang feelings sa ex mo. At hindi naman masama na makaramdam ng ganyan, but you don’t have to dwell on that feelings. Find a way or ways to move on, lalo na kung wala ka na talagang aasahan sa dati mong karelasyon.
About sa ka-tropa mo na hindi ka na pinapansin, all you need to do is ask her. Walang bayad ang pagtatanong. You will be surprised na baka wala palang koneksyon ang panlalamig ng katropa mo sa iyo sa relasyon ninyo ng iyong ex. Speak up!
Marinel
Hi Becs, wala naman masama sa nararamdaman mo sa ex mo ngayon dahil siguro may maganda naman nangyari sa relasyon n’yo dati, kaya kahit paano ay hindi mo siya makalimutan.
Pero siguraduhin mo rin kung hanggang kailan mo dapat maramdaman ‘yan, kailangan mo na rin mag move-on. Bata ka pa naman at marami ka pang dapat pagkaabalahan sa buhay.
Tungkol naman sa tropa mo na parang kapatid mo na hindi ka pinapansin, siguro nahihiya sa iyo kasi sabi mo nga after ng break-up n’yo ng ex mo ay sila na ang magka- text at chat.
Ang magandang gawin mo ay kausapin mo siya nang mabuti at kung anuman ang pinag-usapan nyo, accept the truth na lang para hindi gaano masakit. Right?
Ate Jenny
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.