Vice: Hindi ko kayang bigyan ng salapi ang lahat ng tao, kaya…
Tila natupad na ni Vice Ganda ang isa sa mga pangarap niya – ang makapag-iwan ng legacy sa madlang pipol na hindi maaaring bilhin ng pera.
Ang tinutukoy namin ay ang #ProudToBeMe na pinauso ng TV host-comedian sa noontime show nilang It’s Showtime. Ito ‘yung naging kontrobersiyal at nag-trending topic pa sa social media na pagtatanggal niya ng make-up sa harap ng mga camera bilang pagpapakita ng tunay niyang itsura at pagpapakatotoo sa kanyang sarili.
Sey ni Vice sa isang interview, ito raw talaga ang gusto niyang mangyari, ang maging inspirasyon sa mga taong nabibikima ng bullying. “Masaya, because this is the point in my career na, I wanna leave something with eternal value.
“Ang dami ko nang blessings sa Diyos. Ito na yung panahon na baka sabihin ng Diyos sa akin, ‘Tanggap ka nang tanggap, ikaw naman ang magbigay.’ E, di ko naman kayang magbigay ng salapi sa lahat ng tao, siguro ang kaya kong ibigay sa kanila ay inspirasyon.
“Doon naman nila ako mamahalin sa pagiging totoo, mas hindi nila ako mamahalin pag nagpanggap ako bilang ibang tao, nagbabait-baitan para lang makuha lang yung pagmamahal nila na panandalian lang.
“Mas naging maganda ang relasyon ko sa mga tao kasi ‘di kami naglolokohan. Nakikita nila yung totoo ang ipinapakita ko sa kanila, sa audience ko.
“Totoo ang ngiti ko, totoo ang luha ko, sinsero ang sinasabi ko, kaya mas maganda ang relasyon ko sa madlang people,” ang mahabang pahayag ni Vice sa nasabing panayam.
Samantala, tuloy na tuloy na nga ang pagsasamahan nilang pelikula ng Teleserye King na si Coco Martin na magiging official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival. Si Wenn Deramas pa rin ang magiging direktor nito.
Bukod dito, naghahanda na rin si Vice sa pagsasamahan nilang movie ng Teen King na si Daniel Padilla. Hindi lang kami sure kung kailan ang playdate nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.