Daniel naka-score na naman, hinalikan si Kathryn sa 'Most Wanted' concert | Bandera

Daniel naka-score na naman, hinalikan si Kathryn sa ‘Most Wanted’ concert

Ervin Santiago |June 15,2015
facebook
share this

Daniel naka-score na naman, hinalikan si Kathryn sa ‘Most Wanted’ concert

Ervin Santiago - June 15, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

TULAD ng inaasahan namin, tagumpay na naman ang ikatlong major concert ni Daniel Padilla, ang “Most Wanted” na ginanap noong Sabado sa MOA Arena.

Halos magiba ang venue sa walang humpay na hiyawan, palakpakan at padyakan ng libu-libong fans ni Daniel pati na rin ni Kathryn Bernardo mula simula hanggang ending ng show. Talagang bawat kanta ni DJ ay in-enjoy ng audience.

Pero siyempre, ang talagang hinintay ng KathNiel supporters ay ang pagsasama ng Teen King and Queen sa stage ng Arena. Hindi binigo ng magka-loveteam ang lahat ng nanood ng “Most Wanted” dahil sa huling bahagi ng concert ay nag-duet nga ang dalawa.

Sinundo ni Daniel si Kathryn mula sa kinauupuan nito sa harap ng stage at dinala sa stage, kinanta nila ang theme song ng kanilang number one Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo.

Dito na mas naging wild ang fans, as in talagang hiyawan at halos magwala sa tuwa ang mga ito. At siyempre, abot-langit ang kaligayahan ni DJ nang mahalikan niya uli si Kathryn sa harap ng madlang pipol na ikinakilig nang bonggang-bongga ng mga tao sa venue.

Ang iba pang naging guest ni Daniel sa “Most Wanted” ay sina KZ Tandingan, Edgar Allan Guzman, Nyoy Volante, Morisette Amon, ang boy group na Harana, Kyla at Gary Valenciano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending