Walang nanalo sa P235.4 milyng jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 kaya inaasahang aabot sa P248 milyon ang premyo nito sa bola sa Lunes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nakakuha sa mga lumabas na numerong 44-21-34-17-54-50 na lumabas sa bola kamakalawa.
Umabot sa P59.6 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P124,200 ang 24 na mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P2,230 naman ang 1,067 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 24,965 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Huling tinamaan ang jackpot prize nito noong Marso 4 kaya lumaki na ang premyo.
Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa gastusin sa operasyon nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.