Globalport Batang Pier, Kia Carnival mag-aagawan sa No. 4 spot | Bandera

Globalport Batang Pier, Kia Carnival mag-aagawan sa No. 4 spot

Barry Pascua - June 14, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. KIA vs Globalport
5:15 p.m. Brgy. Ginebra vs Meralco

PAGLALABANAN ng Globalport at KIA ang ikaapat na puwesto at posibleng twice-to-beat advantage sa quarterfinals ng 2015 PBA Governors’ Cup sa kanilang salpukan mamayang alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa alas-5:15 ng hapon na main game ay patuloy na maghahabol ang crowd-favorite Barangay Ginebra sa duwelo nila ng Meralco.

Ang Globalport ay galing sa 108-80 panalo kontra NLEX noong Biyernes at umangat sa 4-4. Na-upset naman ng KIA ang dating nangungunang Barako Bull, 71-68, noong Miyerkules at may 4-3 karta.

Ang Batang Pier ay pinangungunahan ng mga imports na sina Jarrid Famous at Omar Krayem na sinusuportahan nina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Ronjay Buenafe, Keith Jensen at Doug Kramer.

Makakatapat nila sina Hamady N’Diaye, Jet Chang, LA Revilla, Hyram Bagatsing, Hans Thiele at Rich Alvarez.

Kapwa galing sa pagkatalo ang Barangay Ginebra at Meralco.

Ang Gin Kings ay binigo ng defendintg champion Star Hotshots, 89-82, at bumagsak sa 3-5. Napatid naman ang two-game winning streak ng Bolts nang matalo  sia sa Alaska Milk, 89-75. Mayroon silang 4-4 record.

Ngayo’y hawak ni coach Frankie Lim, ang Barangay Ginebra ay sumasandig sa mga imports na sina Orlando Johnson at Jiwan Kim. Halos kumpleto na rin ang Barangay Ginebra sa pagbabalik ng mga higanteng sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar buhat sa injury. Tanging si Chris Ellis na lang ang kanilang hinihintay.

Ang iba pang inaasahan ni Lim ay sina Mark Caguioa, LA Tenorio, Jayjay Helterbrand at Josh Urbiztondo.

Ang Bolts ay nakaangkla sa mga imports na sina Andre Emmett at Asian reinforcement Seiya Ando. Nakakatuwang nila sina Gary David, Cliff Hodge, Reynell Hugnatan at Mike Cortez.

Samantala, pinatumba ng Alaska Milk ang Barako Bull, 101-95, sa kanilang laro kahapon sa Big Dome para makasalo sa No. 1 spot ang pahingang San Miguel Beer.

Si Romeo Travis ay umiskor ng team-high 23 puntos para pamunuan ang Aces na sinamahan ang Beermen sa itaas ng standings matapos umangat sa 7-2 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-ambag naman si  Chris Banchero ng career-high 20 puntos para sa Alaska.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending