DA who ang mambabatas na sobrang mapapel kay PNoy na binuntutan talaga si Pangulong Aquino sa kanyang biyahe kamakailan sa Iloilo?
Kung tutuusin, wala namang papel ang mambabatas na ito sa Iloilo dahil NCR naman ang kanya kinakatawan pero Huwebes pa lamang ay makikitang kasa-kasama na ni Pinoy na nag-iikot sa Iloilo habang pinasisinayaan ang mga proyekto sa probinsiya.
Sa press conference ni PNoy, nakatanghod din ang mambabatas.
May plano bang tumakbo sa mas mataas na posisyon ang mambabatas na ito o type lang talagang pumapel kay PNoy.
Nagtatrabaho kaya ang mambabatas na ito sa kanyang nasasakupan na kilalang hindi naman maunlad at may problema pa sa peace and order.
Pagkatapos ng press con ni PNoy, nagpainterview pa ang solon. Ang problema, misquoted pa si Pangulong Aquino sa kanyang panayam.
Sino ang mambabatas na ito? Kapitbahay lamang siya ng kilala namang tagabatikos ng UNA.
Gets nyo na ang sinasabi ko?
Ngayon pa lamang ay halatang hati na ang mga opisyal ng Gabinete ni PNoy para sa 2016.
Kung ang ibang miyembro ng Gabinete ay pumoporma na para kay Secretary Mar Roxas, ang iba ay makikita na ang loyalty kay VP Binay.
Bagamat kulang na lamang ay iendorso ni PNoy si Roxas sa kanyang talumpati sa ika-117 anibersaryo ng Independence Day, todo depensa naman ang isang opisyal ng Gabinete kung bakit wala si VP Binay sa Vin D’ Honneur na dinadaluhan ng matataas na opisyal ng gobyerno.
Ayon sa opisyal, nakatoka si Binay sa Luneta at walang koneksyon sa ano pa man ang kanyang pagiging no show sa Vin D’ Honneur.
Kilala kasing malapit ang opisyal na ito at ang isa pang opisyal ng Malacanang kay Binay.
Ang kaalyado naman ni Roxas, abala na rin sa paghahanda para sa boss nito.
Kung si PNoy ay hindi mapapalawig ang termino pagkatapos ng kanyang termino, target kaya ng opisyal na manatili sa kanyang kasalukuyang puwesto sakaling manalo si Roxas.
Sino ang mga opisyal na ito? Gusto nyo ng clue? Kapwa sila pareho ang trabaho, bamagat mas visible ngayon ang maka-Binay, samantalang ang isa ay hindi na napagkikita dahil abala na para sa paghahanda sa kampanya ni Roxas.
Gets nyo na ba ang mga sinasabi ko?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.