E-Painters, Hotshots magsasalpukan | Bandera

E-Painters, Hotshots magsasalpukan

Barry Pascua - June 13, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Alaska Milk vs Barako Bull
5:15 p.m. Rain or Shine vs Star Hotshots

PATULOY na pag-angat ang pakay ng Rain or Shine at nagtatanggol na kampeong Star Hotshots sa kanilang salpukan sa 2015 PBA Governors’ Cup mamayang alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-3 ng hapon ay maghihiwalay ng landas ang Alaska Milk at Barako Bull na ang target ay makasosyo sa unang puwesto.

Ang Elasto Painters ay umangat sa 4-4 matapos na magposte ng tatlong sunod na panalo kontra Blackwater (123-85), Talk ‘N Text (88-73) at  NLEX (106-102).

Nasa ikawalong puwesto naman ang Hotshots sa record na 3-4 matapos na magtagumpay laban sa KIA (89-80) at Barangay Ginebra (89-82).

Ang Elasto Painters ay pinangungunahan ni Wendell McKines na makakatapat ni Marqus Blakely ng Hotshots.

Si McKines ay sinusuportahan nina Paul Lee, Gabe Norwood, Jeff Chan, Beau Belga at Chris Tiu.

Si Blakely ay nakakatuwang naman nina James Yap, Marc Pingris, Mark Barroca, Joe Devance at Peter June Simon.

Ang Alaska Milk ay galing sa back-to-back na panalo kontra sa KIA (101-63) at Meralco (89-75). Nasilat naman ng KIA ang Barako Bull, 71-68, noong Miyerkules. Kapwa may 6-2 karta ang Aces at Energy at ang magwawagi mamaya ay makakasosyo ng San Miguel Beer sa unang puwesto.

Ang Aces ay humuhugot ng lakas buhat kay Romeo Travis na tinutulungan nina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Sonny Thoss, JVee Casio at Dondon Hontiveros.

Pipiliting bumawi naman ni Liam McMorrow na nalimita sa 12 puntos sa laro laban sa KIA. Kasama niya sina Joseph Yeo, JC Intal, RR Garcia, Dylan Ababou at Willie Wilson.

Samantala, pinataob ng Talk ‘N Text ang Blackwater, 98-91, sa kanilang laro kahapon sa Araneta Coliseum.

Si Matt Ganuelas-Rosser ay gumawa ng 21 puntos para pangunahan ang Tropang Texters na umangat sa 4-5 karta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kumamada naman si Brian Heruela ng 21 puntos para pamunuan ang Elite na nahulog sa 1-7 record.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending