Kalat na: Sam Milby may planong lumipat sa GMA 7 | Bandera

Kalat na: Sam Milby may planong lumipat sa GMA 7

Alex Brosas - June 12, 2015 - 03:00 AM

SAM MILBY

SAM MILBY

Merong hanash ng lipatan, ang daming nasusulat na maggu-goodbye sa mga fungi ang magiging drama.

As we write this, si Sam Milby ay napabalitang lilipat na raw sa GMA 7 at kasado na raw ang kanyang teleseryeng papasukan.

Medyo nakakaloka ito bagama’t tila wala na yatang project ang Fil-Am actor at parang hindi na nararamdaman ang kanyang presensiya.

Ang tanong, pakawalan ba naman siya ng Dos? Hindi kaya siya habulin?

Well, kung hahabulin man siya, dapat mag-request na siya ng project agad-agad. Matagal na siyang natengga at parang wala nang nakakakilala sa kanya.

Another guy who’s being rumored to be entertaining the thought of moving out of GMA 7 at lumipat naman sa ibang network naman ay itong si Derrick Monasterio.

Rumors have it na gusto na raw lumipat sa ibang network ni Derrick as he felt that he’s not being promoted. Parang so-so lang palagi ang kanyang mga role sa soap operas, pangsahog lang.

But are there any takers? Saan siya lilipat.

Si Steven Silva ay nasa Singko na. Dapat sana ay dadalhin siya ng isang talent manager sa Dos pero ang chinitong StarStruck winner ay nag-inarte. Dapat sana ay ipapakilala na siya sa mga executives ng Dos at titingnan kung puwede siyang itambal kay Julia Montes kaya lang hindi kaagad sumagot si Steven kaya ang nangyari ay hindi siya nakasipot sa meeting sa Dos.

Imagine, mas pinili pa ni Steven ang third network, ang TV5, against the number one network. Any which way we look at it ay wrong move ang ginawa ni Steven, very, very wrong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano namang maganda ang magagawa sa kanya ng TV5, eh, lahat ng naroroon ay puro starlets. Wala pang napasikat ang TV5, wala pang nagkakapangalan sa kanila. What they have remained through the years ay starlets.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending