Pangako sa ‘yo ng KathNiel mas tinutukan pa ng madlang pipol pagkatapos ireklamo sa MTRCB | Bandera

Pangako sa ‘yo ng KathNiel mas tinutukan pa ng madlang pipol pagkatapos ireklamo sa MTRCB

Ervin Santiago - June 11, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

Matapos ang naganap na mandatory conference sa pagitan ng mga opisyal ng MTRCB at ABS-CBN tungkol sa isang eksenang ipinalabas sa seryeng Pangako Sa ‘Yo, napagdesisyunang magkabilang panig na isailalim sa “probationary period” ang programa sa loob ng ilang linggo.

Naging sentro ng diskusyon ng MTRCB at ng ilang representatives ng ABS-CBN ang issue tungkol sa “sexual innuendo” ng karakter ni Pilar Pilapil sa May 29 episode ng seryeng pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Yung naging desisyon namin ay base na rin sa pag-amin ng representatives ng programa na may konting pagkukulang at may mga salitang ginamit sa programa na hindi angkop o karapat-dapat sa telebisyon,” ayon kay Atty. Jose Antonio Veloso, MTRCB co-chair of Adjudication Committee, sa panayam ng ABS-CBN.

Ang tinutukoy ng MTRCB ay ang eksena nina Pilar Pilapil at Ian Veneracion kung saan nasambit nga ng veteran actress ang salitang “libog”.

Dugtong pa ni Atty. Veloso, “Hiningi namin sa kanila kung ano yung mga kongkretong hakbang na kanilang gagawin para maiwasan na maulit itong paggamit ng mga salitang ito.

“In any case isa-submit nila ‘yan by June 17, and ito ay magiging bahagi ng aming resolusyon,” sabi pa ng abogado sa nasabing panayam.

Dagdag pa nito, “May probationary period ng three months, imo-monitor yung programa and sila rin para magtulungan kami. Kung sa tingin nila o sa tingin namin, may maseselan na mga bahagi ng episode, ipapaalam namin ito sa kanila para maiwasan ang pagkakamali.”

Ito naman ang official statement ng ABS-CBN mula kay Corporate Communications Head Kane Choa: “We recognize our responsibility to our viewers and we will work closely with the MTRCB to prevent it from happening again.”

Pero in fairness, ha, dahil sa isyung ito ay mas lalo pang tumaas ang rating ng Pangako Sa ‘Yo. Na-curious kasi ang publiko na baka maulit pa ang mga katulad ng eksena sa serye.

Nananatiling nasa number one slot pa rin ang Pangako Sa ‘Yo sa ratings game, at feeling namin, sa halip na makasira ang pagpuna ng MTRCB sa serye nina DJ at Kathryn ay mas lalo pa itong napamahal sa madlang pipol.

At sigurado kaming hindi apektado diyan ang fans nina DJ at Kath.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending