ROBIN di raw nagsasawa kay MARIEL, ayaw pa ring buntisin | Bandera

ROBIN di raw nagsasawa kay MARIEL, ayaw pa ring buntisin

- August 18, 2012 - 05:19 PM

Kahit 2 taon nang nagsasama bilang mag-asawa

PBB teen Karen ititigil na ang paglalandi sa lalaki

BINISITA namin si Robin Padilla sa taping ng kanyang hit comedy show sa ABS-CBN na Toda Max.

In fairness mas gumuwapo ngayon si Robin more than ever before (more than ever before talaga! Ha-hahaha!).

Nagduda tuloy kami na baka nagpa-sterm cell therapy na rin sin Binoe gaya ng ilang celebrities.

Parang kailan lang nu’ng naging napakakontrobersyal ng pagpunta nila ni Mariel Rodriguez sa India.

Nu’ng una ay ayaw pa nilang aminin na ‘di pa sila kasal.

Pero inilabas sa The Buzz Magasin ang exclusive photo nila sa loob ng Taj Majal habang isinasagawa ang simpleng seremonya. Now, two years has passed at going strong pa rin ang pagsasama nina Robin at Mariel.

They will be celebrating their second anniversary sa darating na Aug. 19.

Nu’ng tinanong namin si Robin kung may special plans na ba sila ni Mariel on that day, ang misis daw niya ang tanungin namin.

Parang napi-feel ni Robin na inappropriate na for him na magkwento nang magkwento ng mga bagay na tungkol sa kanila ni Mariel.

Pero nu’ng birthday ng kanyang misis ay sinabi ni Robin na niregaluhan daw niya ng maraming bulaklak ang kanyang asawa. Wala pa rin daw silang balak magkaanak ni Mariel sa ngayon.

Mukhang hindi pa nga nagsasawa until now si Binoe sa pagsosolo nila ni Mariel, huh!

Going to Toda Max, nakatsikahan din namin panaka-naka ang napakabising direktor ng show nina Robin na si direk Malu Sevilla. Biniro namin si direk Malu kung ano ang reaksyon niya sa napabalitang pagpapakasal ng kaibigan niyang si Ai Ai delas Alas.

Siyempre daw happy siya at na-meet na niya ‘yung guy na talagang gusto niyang makasama sa buhay.

Guest for that episode naman ng Toda Max ang controversial Pinoy Big Brother Teen Edition 4 finalists na si Karen Mae Reyes, Keith Thompson at Ryan Boyz.

Among the three, si Karen ang kakilala na namin.

We met her sa presscon na ibinigay ng ABS-CBN sa Big Four ng PBB Teen Edition 4.

We easily felt nu’ng magtsikahan kami sa presscon na may connection kami ni Karen.

Maraming kahawig na artista si Karen at mukhang palaban.

Pwede siyang i-build-up as the next Angelica Panganiban.

At ngayon pa lang, tila interesado na ang Star Cinema kay Karen.

Kaya payo ng entertainment press noon kay Karen, she better be good and concentrate sa kanyang career kesa unahin ang pakikipagrelasyon sa lalaki.

Lutang naman daw ang feeling ni Karen nu’ng makaeksena niya sina Angel Lcosin, Vhong Navarro at Robin.

Hindi raw siya talaga makapaniwala na kaeksena na niya ang mga bigating artista ng ABS.

Malay natin someday maging leading lady na rin siya either ni Robin or ni Vhong, ‘di ba?

Speaking of PBB Teen, siyempre ang big winner na si Myrtle Sarrosa ay bisi-bisihan na rin sa kanyang career.

Nag-uwi ang cosplayer ng P1 million after the big night.

Sabi ni Myrtle kapag nakuha na niya ang kanyang premyo, ‘yung iba raw ay ise-save niya for her future and the rest ibabalik niya raw sa mga taong nagbigay din ng blessings sa kanya.

“First ko pong tutulungan  ‘yung ka-municipality ko po.

‘Yung municipality po namin  is the football capital of the Philippines.

Gusto ko pong tulungan ‘yung mga kabataan na nagngarap  na maging football player,” sabi pa niya.

Bukod sa pagkakapanalo sa cosplay competitions at sa PBB, proud din siya na nakapag-aral sa UP Visayas.

One out 10 kasi ang ratio ng mga estudyanteng nakakapasok sa UP Visayas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit daw ang high scool Valedictorian nila ay ‘di nakapasok sa naturang unibersidad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending