Gerald minalas kay Maja, sinuwerte kay Nathaniel
Patuloy pa ring namamayagpag sa puso ng TV viewers ang mga programang hatid ng Dreamscape Entertainment TV ng ABS-CBN noong Mayo sa pangunguna ng top-rating inspirational drama series na Nathaniel.
Base sa datos mula Kantar Media para sa buwan ng Mayo, pumalo ang teleseryeng pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at Marco Masa ng average national TV rating na 33.5%, o halos doble ng katapat nitong programa sa GMA na Pari Ko’y (16.8%),
Pasok din sa 10 pinakapinanood na programa sa bansa noong Mayo ang Wansapanataym special ng Teleserye King na si Coco Martin at Kapamilya actress na si Julia Montes na pinamagatang Yamishita’s Treasures.
Ito ay nakakuha ng average national TV rating na 25.4%, laban sa 17.8% ng kalabang palabas na Ismol Family. Samantala, kinapitan naman ng TV viewers hanggang huli ang katatapos lang na fantaseryeng Inday Bote na nakakuha naman ng average national TV rating na 17.8%.
Ito ay pitong puntos na kalamangan kumpara sa My Love From the Star (10.3%) ng GMA. Ang Dreamscape din ang grupo sa likod ng mga de-kalibreng teleserye kabilang ang Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak at Juan dela Cruz.
Patuloy na tutukan ang mga kapanapanabik na tagpo sa Nathaniel, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida, at Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures tuwing Linggo, pagkatapos ng Goin’ Bulilit.
Samantala, mukhang pinatahimik na rin si Gerald ng mga isyu sa kanila ni Maja Salvador. Tama lang ang desisyon niyang huwag nang magsalita o magpa-interview pa tungkol sa paghihiwalay nila ng aktres.
Dedma rin ang Kapamilya actor sa patuloy na namba-bash sa kanya sa social media, sabi nga ni Gerald, mas mabuting mag-concentrate na lang siya sa Nathaniel para mas mapabuti pa niya ang kanyang mga eksena sa serye.
Sey nga ng fans ni Gerald, mabuti na rin yung nagkahiwalay sila ni Maja, dahil simula pa lang daw ay parang may mali na sa relasyon nila. Mukhang malas daw siya sa lovelife. – Ervin Santiago
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.