‘Buti na lang hindi nakapasok si Karla sa Final 4 ng YFSF!!!’ | Bandera

‘Buti na lang hindi nakapasok si Karla sa Final 4 ng YFSF!!!’

Jobert Sucaldito - June 05, 2015 - 03:00 AM

Karla Estrada

KARLA ESTRADA

Marami ang nagtanong sa akin kung ano raw ang reaksiyon ko sa bansag kay Karla Estrada as Queen Mother. Nu’ng una, siyempre kibit-balikat lang ako dahil tag lang naman iyan. Hindi naman seryosohan. Kasi nga, ang Queen Mother ay ikinabit lang kay Queen Elizabeth ng England.

Kung feeling ni Karla she fits being a queen, so be it. Hayaan niyo siya – minsan lang naman ito naganap sa buhay niya, ang mag-buhay reyna dahil sa limpak-limpak na salaping kinikita ng anak niyang si Daniel.

Ngayon lang din kasi naranasan ni Karla ang mahirapang magbilang ng sobrang dami ng pera dahil sa nag-uumapaw na projects ng anak. Kumbaga, hindi na sila gutom. Marangya na ang buhay nila.

“Sino ba ang nagbigay sa kaniya ng title as Queen Mother? Kung ibang tao ang nagbigay sa kaniya noon, oks lang pero kung galing sa kaniya ang title, the height of pagkailusyunada. Tsaka please tell that woman to stop forcing herself sa showbiz. Lumang artista na siya. Lipas na siya. Tutukan na lang niya ang karera ng anak niya. Gamit na gamit na niya si Daniel para magka-career pa.

“Tulad nu’ng sa Your Face Sounds Familiar, nagulat nga kami at nakapasok siya as one of the eight contenders. Mabuti na lang kamo at hindi siya pumasok sa Top 4 dahil kung nakapasok siya, tiyak na panalo na siya dahil madadala siya ng text votes ng mga fans ng anak niya. Masama pa yata ang loob niya dahil di siya nakapasok sa Top 4. Eiwww!” talak ng isang kakilala naming naiirita na sa pinaggagawa ni Karla Estrada.

Well, ayokong mag-comment dahil magkaibigan naman kami ni Karla. Anyway, may pakiusap ang mga old friends ni Karla –lumingon-lingon naman daw siya pag may time. Kasi mahirap daw magka-stiff neck. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending