Kalat na: Manager ni Jennylyn laging nakatambay sa casino
Madalas makita ng mga kaibigan naming taga-showbiz din sa casino ang manager ng mga artista na si Becky Aguila.
Paminsan-minsan na nga lang daw sila magpunta sa mausok at maingay na lugar ay natitiyempuhan pa nila ang manager ni Jennylyn Mercado.
“Kung ganu’n, e, madalas talaga siyang nandu’n. Minsan-minsan na nga lang tayong nagpupunta, e, nandu’n pa siya, di ba? Akala ko ba, e, labas-masok sa ospital si Becky Aguila?
“E, bakit palagi siya sa casino? Du’n pala siya punta nang punta? Puyat siya palagi, kaya siguro bumaba ang resistensiya niya.
“Naalala ko tuloy, di ba, ang sakit-sakit ng ginawa sa kanya ni Angel Locsin, nagkasakit nu’n si Becky, hanggang ngayon siguro, e, hindi pa siya nakaka-move-on,” kuwento ng aming impormante.
Pero hindi na bago ang kuwentong ito para sa maraming taga-showbiz, matagal na palang casino girl si Becky Aguila, palagi niyang nakakasabay du’n ang isang dating milyonaryong prodyuser na ngayon ay manipis na manipis na ang bulsa dahil sa palaging pagkatalo sa sugal.
Nag-aalala ang aming mga kausap sa pangangatawan ni Becky Aguila na palaging napapabalitang naoospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.