Popsters tinawag na demonyo ang mga tsismosa
Galit na galit ang mga supporters ni Sarah Geronimo sa lumabas na balitang hindi man lang daw tumulong ang Pop Princess sa mga nasalanta ng baha.
Pinalalabas ng detractors ng singer-actress na wala siyang kuwentang tao.
Ayon sa isang fan ni Sarah na nakausap namin, may mga nabasa raw sila sa ilang tabloid na bakit hindi man lang daw ito nagpaparamdam gayung halos lahat ng sikat na artista ay very visible sa pagtulong at pagsali sa mga relief operation.
Pagtatanggol nito sa kanyang idolo, “E, mga bobo pala sila, e.
Para sa mga nakikialam na wala namang alam, kagagaling lang ni Sasa (palayaw ni Sarah) sa Hong Kong, kauuwi niya lang sa Pilipinas.
Pero pagdating na pagdating naman nila, sumama agad siya sa Sagip Kapamilya relief mission. “Anong sinasabi nila na dedma lang? Paano siya agad makakapagbigay ng tulong kung nandu’n pa siya sa Hong Kong?
Mag-isip naman sila bago sila manira ng kapwa.
Nananahimik ‘yung tao gagawan nila ng kasinungalingang kuwento! Sila ang mga walang kuwenta.
Mga devil sila!” nanggagalaiti sa galit na sabi pa ng fan ni Sarah.
At totoo naman, kararating lang ni Sarah sa Pilipinas nitong weekend at noong Sabado, personal na nag-abot ng relief goods si Sarah sa mga biktima ng baha sa Fairview, kasama nga ang Sagip Kapamilya.
Sa interview sa kanya ng Push.com ng ABS, nagbigay pa ang singer-actress ng moral support sa mga biktima, “Dito po masusubok talaga ‘yung pagtutulungan bilang Pilipino.
Marami na po tayong calamities na napagdaanan.
Magkapit-bisig lang po tayo, magtulungan lang po tayo.
“Itabi ‘yung mga sama ng loob kung anuman po ‘yan.
Magmahalan tayo at magdasal tayo, wala po tayong pagsubok na hindi malalampasan,” say pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.