Tuesday, Coy 5 taon nang gumagawa ng baby pero di pa rin makabuo
LIMANG taon nang kasal si Tuesday Vargas at mister niyang si Coy Placido pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaanak. Pero positibo pa rin ang TV host-comedienne na mabibiyayaan din sila ng sariling baby.
Sa press launch ng bagong show ni Tuesday sa TV5, ang Sunday noontime show na Happy Truck Ng Bayan kamakailan, sinabi ng komedyana na ginawa na nilang mag-asawa ang lahat ng paraan para mabuntis siya pero waley pa rin.
“Feeling ko nga, lahat na nang puwedeng ways na mabuntis ako ay nagawa na namin. Kung sana nag-work ang mga iyon sa amin, ang dami na siguro naming anak.
Pero wala pa rin. Hindi pa kami bine-bless ni Lord, but we are not losing hope naman. Try pa rin nang try habang kaya namin. “Right now, naghahanap pa kami ng ibang ways. In terms of medication, I will be trying yung holistic naman.
Yung mas natural, but this time hindi na kami masyadong magpipilit ng mister ko. The more na nagta-try kami masyado, lalong walang mabubuo, kaya easy-easy na lang muna kami,” paliwanag ni Tuesday.
Teenager na ang panganay na anak ni Tuesday sa una niyang boyfriend kaya gustung-gusto na rin niyang magkaanak uli, “Thirteen years old na kasi si Kaya. Hindi ko na puwedeng i-baby ang anak ko dahil nagbibinata na.
“Okey naman ang bagets, wala pa namang topak, so far hindi pa naman nagrerebelde. Sabi ko nga, baka pag nag-15 na siya saka ako mapraning! Ha-hahaha! Pero alam n’yo, yun talaga ang pinaghahandaan ko.
“Of course, kapag nasa adolescent stage na yan, marami nang changes. Magkakaroon na ng crushes yan, hindi ko na ‘yan masasama kung saan-saan dahil may sarili ng barkada.
Basta ang wish ko lang sa anak ko, kapag naglambing ako sa kanya, pagbibigyan niya ako, hindi yung parang mahihiya siya.
“Pero sa ngayon, okey pa kami. Mama’s boy pa rin siya.
Kaya nga gusto kong may bago ng baby sa bahay para may mabe-baby ako. Nami-miss ko na rin kasi ang amoy ng isang sanggol, e. Tsaka yung iyak ng isang baby, matagal ko nang hindi naririnig iyon.
Iyak na lang ng ibang tao ang naririnig ko!” chika pa ni Tuesday. Actually, pinayuhan na ng doktor si Tuesday na magbawas na ng work load para iwas pagod at stress.
Isa pang advice sa komedyana, dapat daw ay mag-second honeymoon na silang mag-asawa. Pero sey ni Tuesday, hindi pa siya makahindi sa kaliwa’t kanang trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.