HINDI maikakaila na si Daniel Padilla ang isa sa pinaka-hot na young stars ngayon.
Sa murang edad ng kanyang career ay nagawa na niyang makalayo sa anino ng kanyang uncle Robin, na isang bagay na mahirap gawin.
Hindi naman maikakaila na ang karisma ng mga Padilla ang nagbigay daan upang mapansin si Daniel pero ang pag-angat niya sa ibang young star ay dahil sa kanyang talento.
Suriin natin nang mas malapitan si Daniel.
Ano ang bentahe at ang hindi magandang dulot ng pagiging pamangkin ni Robin Padilla?
Ang magandang bagay ay mas naging madali akong nakilala dahil siya ang tito ko. Wala akong nakikitang hindi magandang dulot ng pagiging bahagi ng pamilya Padilla. Ang success ko ay success din nila.
Mayroon kang mga galaw na kahawig ng ginagawa ni Binoe gayundin ang iyong facial expression, sinasadya mo ba ito?Hindi ko iyon sinasadya o scripted. Hindi lamang si Tito Robin ang mayroong ganoong galaw.
Ginagawa rin iyon ng aking Papa (Rommel) at ng mga nakatatanda sa aming pamilya.
Palagay ko trademark ito ng mga Padilla.
Anong payo sa iyong career at sa mga babae ng iyong Tito Robin?
Unahin ang trabaho at hinay-hinay sa love life.
Handa ka na ba kung magtatapos ang love team mo kay Kathryn Bernardo? At kung papipiliin ka sino ang gusto mong maging susunod na love interest?
Handa na ako diyan dahil lahat ng love teams ay nagwawakas habang lumalago ang isang career.
Walang problema sa akin kung magkakaroon ako ng bagong love team at kung darating sa punto na kailangan na nito.
Ano ang sinasabi mo sa iyong sarili ngayon na sikat ka na?
Ipinapaalala ko sa sarili ko na huwag umakyat sa ulo ko ang kasikatan.
Paano ka manligaw?
Ipinaparamdam ko sa kanya na siya ang pinakaimportanteng tao sa akin.
Anong ginagawa mo kapag ikaw ay bigo?
Nagdarasal, nagja-jamming kasama ng banda ko, ang Parking 5.
Ano ang maling pagkakakilala sa iyo ng tao na nais mong itama?
Na ako ay mayabang at playboy. Hindi talaga totoo ‘yun.
Anong bagay ang nagpapagalit sa’yo?
Kapag ang pamilya ko ay hinuhusgahan at hindi itinatrato ng tama.
Ano ang nakapagpapaiyak sa iyo?
Kapag mayroong nasaktan sa pamilya ko.
Ano ang pinaka-embarrassing moment mo?
Kapag tinatawag ako na “Baby” sa harap ng aking mga kaibigan.
Ano ang pinaka-sweet na bagay na nagawa mo kay Kathryn Bernardo?
Binigyan ko siya ng aso.
Ano ang isang bagay na hindi mo naiintindihan sa mga babae?
Ang paiba-iba nila ng isip.
Ano ang ginagawa mo sa mga agresibong babae at bading na fans?
Hinahayaan ko lang sila.
Ngumingiti ako sa kanila upang ipakita sa kanila na pinapahalagahan ko ang ginagawa nilang pag-idolo sa akin.
Hindi ka ba nalulunod sa tagumpay?
Mayroon akong pamilya at mga kaibigan na nagpapanatili sa mga paa ko sa lupa.
Ipinapaalala nila sa akin na dapat ay manatili akong si DJ.
Ano ang nakakaakit sa iyo sa isang babae?
Pagiging simple, at pagiging magalang sa kanyang mga magulang.
Ano ang pinaka-pilyo mong ginawa?
Makipag-wrestling sa mga bandmates ko.
Ano ang pinaka-importanteng aral na natutuhan mo sa turo ng iyong magulang?
Ang pagiging magalang, ang makisalamuha sa lahat ng uri ng tao, at pagmamahal sa pamilya ko at maging handa lagi na tumulong.
Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong Tita BB Gandanghari?
Inirerespeto ko ang kanyang piniling buhay, at mahal ko siya ano man siya.
Ikaw ba ay homophobic? Ano ang palagay mo sa mga bakla?
Hindi. Lumaki ako na mayroong mga nakikitang bakla dahil maraming kaibigang ganito ang aking Mama.
Masaya silang kasama.
Ano ang pinakamahirap na bagay sa pagiging isang Daniel Padilla?
Hindi na ako basta makapunta sa mall, na miss ko nang gawin.
Hindi na ako nakakatulog nang mahabang oras. Pero hindi ako nagrereklamo.
Hindi pa naging ganito kaganda ang buhay ko. — Text mula sa Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.