Q’finals seat hangad ng Jumbo Plastic, KeraMix | Bandera

Q’finals seat hangad ng Jumbo Plastic, KeraMix

Mike Lee - May 28, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
1 p.m. MP Hotel vs
Jumbo Plastic
3 p.m. KeraMix vs
Tanduay Light
Team Standings:
*Cebuana Lhuillier (7-2); *Café France (7-2); xHapee (6-3); xCagayan Valley (6-3); KeraMix
(4-4); Jumbo Plastic
(4-4); AMA University (4-5); Tanduay Light
(3-5); MP Hotel (1-7); Liver Marin (1-8)
*-semifinals
x-twice-to-beat sa  quarterfinals

PUWESTO sa quarterfinals ang aasamin ng Jumbo Plastic at KeraMix sa pagtatapos ng 2015 PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kalaro ng Giants ang talsik ng MP Hotel sa ganap na ala-1 ng hapon habang ang Mixers ay katipan ang Tanduay Light dakong alas-3 ng hapon.

May magkatulad na  4-4 karta ang Jumbo Plastic at KeraMix at kailangan lamang na manalo para umabante na sa quarterfinals.

Sa kabilang banda, ang Rhum Masters ay may 3-5 karta at kailangang manalo para manatiling palaban sa puwesto sa susunod na round.

Habol ng Rhum Masters na manalo kasabay ng pananaig ng Warriors sa Giants upang magkaroon ng four-way tie sa 4-5 karta na hanap ng Tanduay, Jumbo Plastic, KeraMix at pahingang AMA University Titans.

Gagamitin ang quotient para basagin ang pagkakatabla at ang Tanduay at ang AMA ang magpapatuloy ng kampanya sa liga. May posibilidad na magkaroon pa ng two o three-way tie at dadaan din ito sa quotient system.

Ang Hapee at Cagayan Valley ang umokupa sa ikatlo at ikaapat na puwesto para magkaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals habang ang Cebuana Lhuillier at Café France ay nakausad na sa semifinals matapos hawakan ang unang dalawang puwesto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending