Pacquiao-Mayweather rematch dapat kalimutan | Bandera

Pacquiao-Mayweather rematch dapat kalimutan

Mike Lee - May 28, 2015 - 01:00 AM

Floyd Mayweather Jr., Manny Pacquiao

MAS mabuting kalimutan na lamang ang binabalak na rematch sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Ito ang pananaw ng Hall of Fame referee na si Joe Cortez dahil nakita na ang malayong kalidad ng walang talo at pound-for-pound king na si Mayweather laban kay Pacquiao nang magsagupa sila noong Mayo 3 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

“I don’t think there’s a reason for a rematch, it was not even close. They gotta move on,” wika ni Cortez sa panayam ng On The Ropes Boxing.

Naniniwala si Cortez na sinikap ni Pacquiao na talunin si Mayweather at kahit sinasabing lumaban siya na may iniinda sa kanang balikat, hindi rin maitatanggi na hirap na hirap siya sa istilo ng katunggali.

Lumabas na rin ang epekto sa mga naunang malalaking laban na hinarap ni Pacquiao kaya’t noong kinaharap si Mayweather ay iba na ang kanyang mga ikinilos.

“Manny Pacquiao tried the best he could, he’s thirty six years old but Manny Pacquiao has been in some difficult fights in his career and therefore, it’s causing him not to be as sharp as he used to be five years ago,” wika nito.

Isang taon ang inaasahang lilipas bago makabalik ng ring ni Pacquiao at ang bagay na ito ay tiyak na magpapababa pa sa kanyang kalidad sa paglaban.

“Pacquiao is a good guy and by the time his shoulder gets well, he will be thirty seven, I don’t think there’s really that much more left for Pacquiao,” pahabol pa ni Cortez.

Si Mayweather ay lalaban pa ng isang beses upang tapusin ang anim na laban na pinirmahan sa Showtime at nakikita ni Cortez na si Amir Khan ang makakalaban nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending