‘Naku, hanggang sa kamatayan ‘Day, hindi ko na siya makikita!’ | Bandera

‘Naku, hanggang sa kamatayan ‘Day, hindi ko na siya makikita!’

Ervin Santiago - May 28, 2015 - 02:00 AM

gutierrez family

SA wakas, mapapanood na ang kauna-unahang reality family series na It Takes Gutz To Be A Gutierrez sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel simula sa June 6.

Sa June 29 naman eere ang reality show ng Gutierrez family sa U.S., Canada, Australia at New Zealand via Lifestyle Network. Dito matutunghayan ang nakakabaliw at nakakaaliw na mundo ng tinaguriang Royal Family of Philippine Showbusiness.

Tiyak na mawiwindang at masa-shock kayo sa iba’t ibang drama ng buhay ng pamilya Gutierrez sa pangu-nguna nga ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Siyempre, kasama rin dito ang kanilang mga anak na sina Ruffa, Richard, Raymond, Rocky, Elvis at Ritchie Paul with their extended families na sina Sarah Lahbati and sister-in-law Alex.

Idagdag pa ang mga emote ng mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice; at anak nina Richard at Sarah na si Zion. Susundan ng camera ang buhay ng mga Gutierrez mula sa kanilang simpleng daily household routine hanggang sa kanilang glamorosong showbiz functions.

Matutunghayan ang mga simpleng pag-uusap, tawanan at minsa’y pag-aaway at pagbabati ng magkakapamilya.Isa sa tiyak na pag-uusapan ang magaganap na “komprontasyon” ng mag-inang Ruffa at Annabelle na magkaaway pa rin hanggang ngayon dahil sa bagong boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal.

Todo ang pagtutol ni Annabelle sa foreigner na dyowa ng anak na tinawag pa nga nitong PG (patay gutom) sa isang post nito sa Twitter. Ayon naman kay Ruffa, makakarelate ang mga overseas Filipino families sa kanilang showbiz family. “What they can really relate to is our family values.

As a family, we’re very Pinoy. We go through ups and downs and we go through a lot of trials. But after all, isang pamilya talaga kami. Nagmamahalan kami in the end.

And I think what Pinoys, whether they are in the Philippines or wherever they are in the world, iyon iyong makakarelate sila.”
Ayon naman kay Raymond, “I guess you know that for a lot of Filipinos who grew up abroad, there’s that sense of feeling that you express yourself more, that you’re more opinionated, and you’re personality’s a little bit stronger.

That’s the type of a person that people outside the Philippines can relate with.”  Ang It Takes Gutz To Be Gutierrez ay ipinrodyus sa ilalim ng direksiyon ni Karren Appathurai Wiggins mula sa mga kilalang international show na Australia’s Got Talent, Big Brother Australia at Real Housewives of Melbourne.

Sundan ang nakakatuwa at nakakabaliw na journey ng Gutierrez family sa IPTV, satellite, cable at mobile platforms ng TFC at sa official online service nito, ang TFC.tv worldwide ngayong June 6.

Speaking of Ruffa and Annabelle Rama, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-ina, hindi pa napapatawad ng talent manager ang kanyang anak sa mga kasalanan nito.

“Kung gusto niyo malaman kung anong reason ba’t ‘di ko siya mapapatawad, panoorin niyo yung Season 3. Kasi marami nagsasabi, ‘Ang arte-arte, hindi pa binabati (yung) anak niya, binabati na siya.’ Ako kasi, kapag hindi pa time, hindi ko pinipilit,” sagot ni Bisaya nang makorner ng media after ng presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

“Ayoko siyang batiin dahil lang sa show namin. Hindi ko siya mapapatawad hanggang ngayon,” paninindigan pa ng mommy ni Ruffa. Minsan daw ay sumasama ang loob niya sa iba pa niyang mga anak, “Actually, ‘pag may away kami ni Ruffa, lahat sila kakampi roon.

Walang kumakampi sa akin. Ako na lang lagi ang mali. Lagi akong sinasabihan ni Raymond magpa-massage daw ako, magpa-spa ako. “Ano ako, sira-ulo? Magsisisigaw (nang) walang reason? There’s always a reason kaya ako nagagalit,” sey pa ni Annabelle na umaming halos tatlong buwan na silang hindi nag-uusap ni Ruffa.

Kahit hindi sabihin ni Bisaya, alam na naman madlang pipol na ang boyfriend ni Ruffa ang dahilan ng matinding galit niya, until now ay hindi siya boto rito para sa anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi raw kasi niya nakikita kay Jordan Mouyal ang mga qualities ng isang lalaking nararapat kay Ruffa, “Ang importante sa akin, lalaki na may hanapbuhay, kaya siyang pakainin, pakainin yung dalawang anak niya.

Yun lang naman ang gusto ko, e.” Pero nang tanungin ang palabang talent manager kung paano pag biglang mabuntis si Ruffa courtesy of Jordan? “That’s the worst! Hindi ko na siya makikita na. Hanggang kamatayan na ‘yan, ‘Day, hindi ko siya babatiin!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending