Trak tumagilid; 11 estudyante sugatan | Bandera

Trak tumagilid; 11 estudyante sugatan

John Roson - May 27, 2015 - 07:20 PM

Cagayan

Cagayan

Labing-isang estudyante ang sugatan nang tumagilid ang sinakyan nilang dump truck sa Sta. Teresita, Cagayan, ayon sa pulisya kahapon.

Ang 11 sugatan ay pawang mga estudyante ng Cagayan State University (CSU) Gonzaga Campus, na kasalukuyang sumasailalim sa “summer job” sa lokal na pamahalaan ng Sta. Teresita, sabi ni Senior Inspector Gary Matagay, hepe ng Sta. Teresita Police.

Naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga Lunes, habang minamaneho ni Rodolfo Baldeviso ang dump truck sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Masi.

Sakay ng trak ang 46 estudyante ng CSU na patungo sa Sitio Palagao, Brgy. Simpatuyo, para lumahok sa “tree planting activity” na bahagi ng kanilang summer job, ani Matagay.

Sumalpok ang trak sa sementong road safety barricade at tumagilid sa katabing palayan, aniya.

“Fortunately, out of the 46 students, 11 lang ang nagkaroon ng injuries. Minor injuries lang, at nadala naman agad sa District Hospital sa Gonzaga… Wala namang seriously injured, although may dalawa na ni-recommend na magpapa-CT scan,” ani Matagay.

Sinabi ni Baldeviso sa pulisya na nagloko ang makina ng trak kaya siya nawalan ng kontrol sa manibela.

Pansamantalang dinitine si Baldeviso pero pinawalan din matapos mangako ang lokal na pamahalaan ng Sta. Teresita na tutulong sa pagpapagamot ng mga sugatan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending