1 member ng Boyzone baklang-bakla sa stage
Gosh! Ang saya-saya ng recent Boyzone concert na ginanap sa Araneta Coliseum. Nag-absent talaga ako sa DZMM show namin ni Papa Ahwel dahil sinamahan ko ang alaga kong si Michael Pangilinan.
Ang grupo kasi nilang Harana Boys under Star Music ang nag-front act sa said fantastic concert. In fairness to Harana Boys, talagang pinalakpakan sila ng audience lalo na sa second song nila.
Ang guguwapo nina Joseph Marco, Bryan Santos, Marlo Martel at baby nating si Michael sa kanilang black suits with matching colored rubber shoes. Ganda ng effect.
And in fairness, hindi halata ang stagefright ng apat while performing onstage. Iyon nga lang, magkakalayo ang puwesto nila kaya hindi sila nakunan ng group pictures masyado sa stage.
Before the concert, pinatawag ang apat na boys ng organizer ng concert para mag-photo op with Boyzone sa isang dressing room. Sayang nga at hindi kami naisama dahil very strict sila. Istrikto pero hindi naman bastos, very decent ang team ng Boyzone.
Pero nu’ng sumampa na sila sa stage, hindi magkamayaw ang mga tao sa kakukuha ng pictures and videos ng grupo as they perform. Imagine, the last time Boyzone was here was in 1997 – 18 years ago na iyon pero alam pa rin ng audience ang mga hit songs nila.
Naiyak kami sa presentation nila ng video ng isang member nilang namatay na – the guy who sang “Everyday I Love You”.
May portions na kinakanta nila ang said song nang live at merong parts na yung late co-member nila ang kumakanta sa video.
Very sad and you can feel na mahal na mahal nila ang pumanaw nilang kagrupo. Halos maluha ang ilang Boyzone members.
Pero ang nakakaloka, meron silang isang member na baklang-bakla kumilos sa stage.
Puro tattoo ang katawan niya hanggang leeg pero kung makakumpas ng kamay, parang dating beauty queen. Ha-hahaha! Siya ang GIRLZONE sa grupo nila for sure.
Ronan Keating was such a delight sa stage. Galing niyang kumanta at kung kailan siya nagkaedad ay tsaka naman siya lalong naging yummy. Super lakas ng sex appeal niya.
Hindi ba’t napabalitang dyuklita rin ito? Hindi ba’t napabalitang nag-come out ito noon or baka nagkakamali lang ako. Paki-refresh nga ang memory ko, willing ako to be corrected here.
Pero kesehodang bading siya siguro, mamahalin ko siya dahil ang husay kumanta at gumalaw sa entablado.And how endearing naman of them – they spoke highly of us Pinoys.
Iyan ang masarap sa ganitong guest artists na dumadalaw sa atin, pinupuri tayo at mararamdaman mo ang pagmamahal nila sa Pinoy audience nila. Hindi sila barumbado, in fact they were so kind to us.
Kaya kudos to Boyzone and to their producer, our dear baby/friend na si Joed Serrano dahil naibalik niya sa Pilipinas ang matagal na nating na-miss na boy band.
Anyway, speaking of Joed Serrano, siya rin ang magdadala ng super-sikat na a capella group na Pentatonix sa June 6 and 7 sa Araneta Coliseum and Waterfront Hotel Cebu respectively. And take note, ang baby nating si Michael Pangilinan ang front sa dalawang araw nilang palabas.
Masuwerte rin talaga itong si Michael at siya ang nagiging suki ng foreign acts now. Meron pa kasi siyang pagpu-front act na malaking foreign artist na darating na nine-negotiate ko pa.
Just sit back and relax, we will announce it very soon. Thanks for your support kay Michael Pangilinan, ang Pare Ng Bayan, okey?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.