Angelica bibigyan agad ng Lifetime Achievement Award sa edad na 28
Bongga si Angelica Panganiban! Imagine, sa edad na 28 ay bibigyan na agad siya ng lifetime achievement award!?
Ang Kapuso actress ang napili ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., para bigyan ng Bert Marcelo Lifetime Achievement Award para sa 46th Box Office Entertainment Awards na gaganapin sa darating na Hunyo.
Sa kanyang Instagram account, nagpasalamat si Angelica sa lahat ng taong nagmamahal sa kanya at patuloy na sumusuporta sa kanya bilang artista. Ang mga ito raw kasi ang dahilan kung bakit patuloy niyang pinagbubuti ang kanyang mga trabaho.
Ni-repost pa ng aktres ang larawang ipinost ng Star Cinema kung saan nakasulat ang pakakapili sa kanya bilang recipent ng Bert Marcelo Lifetime Achievement Award.
“28 pa lang po ako. Pero binigyan nyo na ko ng lifetime achievement award. Salamat sa lahat ng nag bigay sakin ng opportunity para magkaron ng trabaho. Pero mas salamat sa pamilya ko.
Dahil sila lang ang inspirasyon ko simula nag artista ako. I love you guys,” mensahe ni Angelica. Bata pa lang ay artista na si Angelica, nagsimula ang kanyang showbiz career nang maging regular siya sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV.
At ngayon nga ay gaganap siyang nanay ni Daniel Padilla sa remake ng classic series na Pangako Sa ‘Yo na nagsimula na kagabi sa Primetime Bida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.