Metro 'hihinto' sa earthquake drill | Bandera

Metro ‘hihinto’ sa earthquake drill

Leifbilly Begas - May 25, 2015 - 04:58 PM

 metro manila TOTOONG mawawalan ng kuryente, tubig at linya ng komunikasyon sa Metro Manila sa isasagawang kunyariang lindol. Sa ganitong paraan, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino na mararamdaman ng mga taga-National Capital Region kung ano ang inaasahang mangyari kapag nagkaroon ng malakas na lindol. Nakasaad umano ito sa Oplan Metro Yakal ng MMDA bilang paghahanda sa pagtama ng malakas na lindol at upang mabilis na makabangon ang Metro Manila. Sa pagdinig ng House committee on Metro Manila Development, sinabi ni Tolentino na posibleng isagawa ang Metro Manila shutdown bago ang Agosto subalit wala pang eksaktong petsa. Ipinaalam na rin ni Tolentino ang plano sa Malacanang.Isasagawa ito mula alas-3 ng hapon hanggang 8 ng gabi upang magkaroon umano ng daytime simulation at night time simulation. Ang mga ospital lamang umano ang papayagan na magpatuloy sa kanilang operasyon habang isinasagawa ang earthquake drill. Plano ni Tolentino na isagawa ito isang beses kada taon bilang paghahanda sa inaasahang paggalaw sa West Valley Fault at East Valley Fault. Bukod sa Metro Manila daraanan din ng dalawang fault system ang Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending