PNP members tumanggap ng kalahati ng kanilang 13th month pay
INILABAS na ng Philippine National Police ang P1.9 bilyon budget nito para sa kalahati ng 13th month pay nang may 155,000 uniformed at non-uniformed personnel ng Pambansang Pulisya.
Nitong Biyernes ay tinanggap na ng mga pulis at non-uniformed member ng PNP ang kalahati ng kanilang 13th month pay. Ang susunod na kalahati ay ipagkakaloob naman sa Disyembre.
Ayon kay Senior Superintendent Bartolome Tobias, PNP spokesperson, hindi naman matatanggap ng mga pulis na may ga kasong kriminal at administratibo ang kanilang 13th month pay, base na rin sa ipinaiiral na administrative policy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.