Mga Laro Ngayon
(The Arena)
1 p.m. MP Hotel vs Hapee
3 p.m. Cagayan Valley vs Cebuana Lhuillier
Team Standings: *Cebuana Lhuillier (7-1); *Café France (7-2); xCagayan Valley (5-3); xHapee (5-3); KeraMix (4-4); Jumbo Plastic (4-4); AMA University (4-5); Tanduay Light (3-5); MP Hotel (1-6); Liver Marin (1-8)
*-semifinals
x-quarterfinals
UPUAN na ang ikatlo at ikaapat na puwesto sa liga ang nakataya sa Hapee at Cagayan sa pagpapatuloy ngayon ng 2015 PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.
Parehong may 5-3 karta ang Fresh Fighters at Rising Suns papasok sa kanilang huling asignatura at kailangan nila ang manalo para makaiwas sa anumang komplikasyon sa pagnanais na magkaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Mas magaan ang laro ng Aspirants’ Cup champion Hapee dahil ang talsik nang MP Hotel Warriors ang kanilang katapat sa ganap na ala-1 ng hapon habang ang Cagayan Valley ay masusukat sa Cebuana Lhuillier dakong alas-3 ng hapon.
Nananalangin sa sidelines ang mga koponan ng KeraMix at Jumbo Plastic na matalo ang Hapee at Cagayan para magkaroon pa ng pagkakataon na maagaw ang mahalagang bentahe sa susunod na round.
May 4-4 baraha ang Mixers at Giants kaya puwede nilang makatabla ang Hapee at Cagayan sa 5-4 karta.
Tiyak na paborito ang Fresh Fighters sa Warriors na may isang panalo lamang ang naitala sa pitong laro.
Pero hindi sigurado ang Cagayan Valley sa Cebuana Lhuillier na sa 7-1 karta ay pasok na sa semifinals katulad ng Café France.
Maglalaro rin ang Rising Suns ng hindi kasama ang kanilang coach Alvin Pua na ban na liga matapos ang panununtok ng referee sa 106-94 panalo sa Liver Marin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.