MRT nagkaaberya muli; 5 tren lang bumiyahe | Bandera

MRT nagkaaberya muli; 5 tren lang bumiyahe

Leifbilly Begas - May 22, 2015 - 05:46 PM

MRT

MRT


Tumambak ang mga pasahero ng Metro Rail Transit 3 sa mga istasyon nito sa kasagsagan ng init na nararamdaman sa Metro Manila kahapon.
Mula sa kalimitang kada-10 hanggang 15 minutong paghihintay sa pagdating ng tren, may mga pasahero na inabot ng isang oras bago nakasakay.
Nabatid na limang tren lamang ang bumiyahe sa MRT3 kahapon ng hapon malayo sa kalimitang 10-15.
Kinailangang ibalik ang ilan sa mga tren sa depot ng MRT upang ayusin ang mga airconditioning unit nito.
Karaniwang nahihirapan na palamigin ng AC ang isang lugar kapag masyadong mainit ang panahon. Bukod sa mga tren ay mahabang bahagi na rin ng riles ang kailangang palitan.
Kulang na ang tren ng MRT kaya pumasok ang gobyerno sa kontrata upang bumili 48 bagong tren.
Mayroong 13 istasyon ang MRT mula North Avenue station hanggang Taft Avenue station. Kung walang aberya, ang biyahe ng tren mula sa dulo ay 30 minuto. Ang pamasahe ay mula P13 hanggang P28.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending