Stored value tickets hindi muna magagamit sa LRT
Lisa Soriano - Bandera May 21, 2015 - 03:50 PM
PANSAMANTALA munang ititigil bukas (Mayor 23) ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbebenta at paggamit ng mga stored value tickets sa mga mananakay ng LRT Line 1 southbound lane na biyaheng Roosevelt –Baclaran.
Ito ang ipinalabas na abiso kahapon ng LRTA itoy dahil hindi pa nakukumpleto ang paglalagay ng mga bagong Automated Fare Collection System (AFCS) gate sa LRT.
Dahil naman sa pagtigil sa pagbebenta at paggamit ng SVC ay gagamit muna ang mga pasahero ng mga uncoded ticket para sa Single Journey Ticket na nagkakahalaga ng P30 at ticket coupon naman para sa mga Single Journey Ticket na nagkakahalaga ng P15 at P20.
Paliwanag pa ng LRTA, bahagi pa rin ito ng ACFS Contactles System na magbibigay-ginhawa umano sa mga mananakay lalo’t oras na matapos ay iisang ticket lamang ang gagamitin para sa LRT 1, 2 at Metro Rail Transit (MRT) 3
Ang instalasyon ng mga bagong gates sa LRT-1 ay sinimulan pa noong Holy Week at inaasahang makukumpleto sa susunod na buwan.
Una nang isinara ng LRT-1 at ilang entrance at exit gates sa ilang istasyon nito upang bigyang-daan ang naturang proyekto
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending