Sinibak sa trabaho wagi ng P17.8M sa lotto
Leifbilly Begas - Bandera May 21, 2015 - 03:29 PM
Isang 39-anyos na lalaki na wala ng trabaho sa katapusan ng buwan ang isa sa tatlong nanalo sa P17.831 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 noong Mayo 13.
Ang nanalo ay 39-anyos, may asawa, tatlong anak at nakatira sa Mandaluyong City. Siya ay isang communication consultant.
Plano niyang bumili ng sariling bahay at lupa at magtabi para sa edukasyon ng kanyang mga anak.
Siya ang isa sa tatlong nakakuha sa mga numerong 8-12-17-21-24-27.
Galing umano ang mga numero sa kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. May walong taon na siyang tumataya sa lotto at P20 ang kanyang itinaya ng manalo.
Sa kuwento ng nanalo kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas sinabihan na umano siya na hindi na ire-renew ang kanyang kontrata at hanggang Mayo 31 na lamang.
Ilang gabi na umano siyang hindi makatulog dahil sa masamang balita. Nagiisip din siya kung saan kukuha ng pangmatrikula ng mga anak.
Nagkakahalaga ng P5.9 milyon ang iniuwi ng nanalo.
Kumaha na ng premyo ang kasama niyang nanalo na taga-Maynila kamakalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending