Pacman iwas-bayad ng buwis sa Pinas | Bandera

Pacman iwas-bayad ng buwis sa Pinas

Jobert Sucaldito - May 22, 2015 - 03:00 AM

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

IT has been told that boxer Manny Pacquiao, aside from purchased KIA Team, bought two more basketball teams – isa from the NBA at isa from China. Marami ang naloka sa napakalaking expenditures na ito ni Pacman after niyang matalo kay Mayweather recently.

Kasi nga, kahit talo siya, he got a whopping US$120 million equivalent to more than P4 billion. Natural na nakaabang na si

Mareng Kim Henares from the BIR – talagang nakatutok ito sa kinita niya tulad nu’ng mga unang naging laban niya.

Remember that time na kinasuhan siya ng BIR for his unpaid taxes amounting to more or less P2 billion?

“Kaya bumibili si Manny ng basketball teams ay para maging tax shelter niya. Kaysa naman mapunta lang sa buwis natin ay mas gusto niyang maibawas ang malaking bahagi ng kaniyang kita sa babayaran niyang taxes. That’s a very wise decision – iyan ang ginagawa ng mga taong ayaw magbayad ng tax. Gustong makaligtas kumbaga.

“Ang problema lang, hindi naman profitable for him ang pagbili ng basketball teams – sana sa ibang negosyo na lang siya nag-focus. Pero sa pagbili ng basketball teams, anong kikitain niya roon? Basta ganoon iyon, tax shelter niya iyon,” anang isang kaibigan nating in the know.

Ganoon pala iyon. Kumbaga sa ibang mga negosyante rito sa atin, maliban sa main line ng businesses nilang kumikita, meron silang mga negosyong palugi at yung losses nila roon ay siyang ibinabawas nila sa kabuuan ng buwis na binabayaran nila.

Malaking kaltas sa taxes nila iyon.

That has been existent for many years na – kasi documented naman lahat iyon. Yung iba nga nagdi-declare ng bankruptcy para makaiwas sa pagbayad ng malaking buwis.

Anyway, panoorin na lang natin ang “boksing” nina BIR Chief Kim Henares and boxing champ Manny Pacquiao very soon.

Tiyak na magiging malaking isyu na naman sa buhay niya ang tax na babayaran niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pati yung ibinili niya ng bahay daw ni J-Lo ay ibabawas niya rin siyempre. Ang ending niyan, baka may tax refund pa siya. Kaloka, di ba? Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending