NAGKATOTOO na ang kinatatakutan ng mga magulang — ang pagtataas ng singil sa matrikula at iba pang bayarin ng mga estudyante ngayong school year 2015-2016.
Inaprubahan ng Commission on Higher Education ang petis-yon ng 313 pribadong paaralan sa kolehiyo na magtaas ng kanilang matrikula mula sa average na P29.86 kada unit habang P135.60 naman ang pinayagang itaas para sa iba pang bayarin.
Sa ginawang pagpayag na ito ng CHEd para makapaningil ng karagdagang tuition ang 313 paaralan na hindi naman inisa-isang banggitin ng ahensya, libo-libong mga magulang na naman ang sadyang mabibigatan sa dagdag na pasaning ito.
Dahil sa inaasahang dagdag na dagok, maraming bilang ng mga estudyante ang posibleng hindi na makapagpapatuloy ng kanilang pag-aaral ngayong darating na pasukan.
Base sa statistics na siyang tinutukoy ng National Union of Students of the Philippines, higit na dumarami ang school dropout at out-of-school youth bunsod nang taunang pagtataas ng tuition na ipinapataw ng mga may-ari ng paaralan.
At dahil taon-taon ang ginagawang pagpayag ng CHEd sa pagtataas ng tuition, lumalabas na wala talagang maasahang proteksyon ang mga magulang at mag-aaral sa nasabing ahensya na pinangungunahan ni Chairperson Patricia Licuanan.
Kahit na pagbali-baliktarin pa ang kanyang paliwanag, malinaw na tuloy pa rin tuition increase ng mga paaralan bawat taon.
At nasaan na ang mandato ng CHED na sinasabing kaila-ngang siguruhin na ang edukasyon ay kailangang makamit ng sinoman lalo na ang isang indibiduwal na walang kakayayang tustusan ang kanyang pag-aaral?
Tanging sa papel lamang umiiral ang mandatong ito at hindi naman nagagampanan o naipatutupad nang konkreto.
Sa harap nang dumaraming mga estudyanteng hindi nakapagpapatuloy ng kanilang pag-aaral dahil sa mahal na tuition at iba pang bayarin sa eskwela, ano pang silbi ng ahensya, ano pang silbi ni Licuanan sa kanyang pwesto?
Sa halip na bigyang proteksyon ng CHEd ang mga mag-aaral, tila kabaligtaran pa ang nangyayari — mas nabi-
bigyang proteksyon ng ahensya ang mga negosyanteng nagpapatakbo ng mga kolehiyo at unibersidad.
At paano rin makatitiyak na ang bahagi ng tution increase na sinisingil ng mga paaralan ay talagang napupunta sa sahod ng mga guro o sa pagsa-saayaos ng pasilidad ng isang paaralan?
Kaya nga, tama ang gaga-wing aksyon ni Rep. Teddy Ridon na kanilang kakasauhan ng adminstratibo si Licuanan at apat pang komisyuner ng CHEd sa Ombudsman dahil sa gross incompetent, gross inefficiency, gross neglect of duty base na rin sa reklamo ng mga estudyante kaugnay ng tuition increase.
Dapat pa bang magtagal si Licuanan at kanyang mga kasamahang komisyuner sa CHEd? Hindi na siguro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.