Famous ibabandera ng Batang Pier | Bandera

Famous ibabandera ng Batang Pier

Mike Lee - May 21, 2015 - 01:00 AM

globalport

Today’s Game
(Al Shabab Al Arabi Club, Dubai)
7:30 p.m. Rain or Shine vs Globalport
Team Standings: Barako Bull (3-0); Globalport (3-1); Alaska (3-1); Talk ‘N Text (2-1); KIA Motors (2-1); San Miguel Beer (2-2); Meralco (2-2); Star Hotshots (1-2); Blackwater (1-3); Barangay Ginebra (1-3); NLEX (1-3); Rain or Shine (0-2)

IBABANDERA ngayon ng Globalport ang balik-import na si Jarrid Famous sa hangaring makabangon mula sa paglasap ng pagkatalo sa pagpapa-tuloy ng PBA Governors Cup ngayon sa Al Shabab Al Arabi Club sa Dubai.

Makakasagupa ng Globalport ang Rain or Shine umpisa alas-7:30 ng gabi (11:30 p.m. Philippine time) at hanap ng Elasto Painters ang unang panalo matapos ang kambal na pagkatalo sa pagbubukas ng torneyo.

May 3-1 karta ang Batang Pier ngunit natalo sila sa huling laro kontra San Miguel Beer, 124-102. Ang 6-foot-11 na si Famous ay dating naglaro para sa Meralco at Petron sa PBA.

Dumating siya sa Dubai noong Martes para palitan ang panandaliang import ng Globalport na si Steve Thomas.Makakasama rin ng Batang Pier ang kanilang head coach na si Alfredo Jarencio na naiwan noong umalis ang koponan noong Lunes dahil sa diarrhea.

“Okey na si coach at darating siya bukas,” wika ni team manager Erick Arejola kahapon. Di hamak na mas malaki at mas matangkad si Famous kumpara sa import ng Rain or Shine na si Wendell McKines.

Malaking problema ng Rain or Shine sa laro ang hindi pagsama nina Jeff Chan at Chris Tiu sa Dubai dahil sa injuries. “We’re a patient team,” wika naman ni Elasto Painters head coach Yeng Guiao.

“When we encounter difficulty, we try to fix the problem from within.” Si Paul Lee ang mangunguna sa hanay ng mga locals para sa Rain or Shine ngunit dapat na gumana rin ang iba niyang kasamahan para maputol ang two-game losing streak sa conference.

Bukas ay makakasagupa naman ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra sa Dubai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending