Jodi natatakot sa sampalan at sapakan nila ni Angelica
“NATAKOT talaga ako!” Ito ang ginawang pag-amin ni Jodi Sta. Maria nang ialok sa kanya ang iconic role na Amor Powers sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan nga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Para sa mga hindi pa nakakaalam, naging bahagi rin si Jodi ng original Pangako Sa ‘Yo nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.
Ginampanan niya ang karakter ni Lia, ang isa pang anak ni Claudia Buenavista, na ginampanan naman noon ni Jean Garcia. Si Eula Valdez naman ang gumanap na Amor Powers.
Kuwento ni Jodi, nu’ng unang in-offer sa kanya ang proyekto, humiling siya sa ABS-CBN managament na bigyan siya ng sapat na panahon para makapag-isip.
“At first sobrang na pressure ako at natakot ako. Hindi ko alam kung paano ko ihihiwalay ‘yung ginawa kong character para sumulong ako sa bagong trabahong gagawin ko,” chika ni Jodi na ang tinutukoy ay ang role niya bilang Maya sa Be Careful With My Heart na tumagal ng dalawang taon sa ere.
“Binigyan nila ako ng time para makapaghanda and also natutuwa ako na binigyan kami ng liberty ng aming directors para magbigay ng insight kung paano namin gustong buuin ang aming characters,” dagdag pa ng Kapamilya actress.
“Alam kong hindi madali dahil napakagaling ni Ms. Eula, very iconic ‘yung role na pinortray niya at napakataas ng respeto ko sa kanya bilang artista.
Siguro hindi ko na maiaalis talaga na maikumpara pero siguro kailangan kong gawin ang kailangan kong gawin bilang isang artista,” sey pa ng girlfriend ni Jolo Revilla.
Nagbalik-tanaw din si Jodi sa pagiging bahagi niya ng original PSY, “Parang hindi lang din ako makapaniwala na sa original ay naging part ako ng Pangako Sa ‘Yo and now I’m doing it with different character and it’s such a blessing and privilege to be Amor Powers.”
Inamin naman ni Jodi na magkahalong emosyon ang nararamdaman niya sa mga gagawin nilang sampalan, sabunutan at sapakan ni Angelica Panganiban na siyang gaganap na Claudia.
“Nae-excite ako pero at the same time, kasi sabi ko nga nai-intimidate ako kay Angelica. Pero very thankful ako kasi alam ko na napaka-professional na katrabaho ni Angelica,” aniya.
Magsisimula na ang Pangako Sa ‘Yo sa May 25, ito ang papalit sa phenomenal series ng ABS-CBN na Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.