313 paaralan pinayagan magtaas ng matrikula; kinondena
Leifbilly Begas - Bandera May 19, 2015 - 02:22 PM
KINONDENA ni Kabataan Rep. Terry Ridon ang Commission on Higher Education sa pagpayag nito na itaas ang matrikula at iba pang bayarin sa 313 paaralan para sa school year 2015-16.
Ayon kay Ridon hindi katanggap-tanggap ang pagpayag ng CHEd na itaas ang mga singilin sa mga mag-aaral.
“CHED Chair Patricia Licuanan sounded apologetic in her pronouncement today that 313 higher education institutions will again increase tuition and other school fees this academic year. Yet no amount of apology can dilute the fact that CHEd has once again betrayed its constitutional mandate to ensure the affordability and accessibility of education,” ani Ridon.
Ayon sa datos ng CHED, ang magiging bagong national average tuition rate per unit ay P514 na mula sa P484. Sa National Capital Region ang magiging average tuition rate per unit ay P747.23 mula sa P714.90.
Sinabi ni Ridon na dapat ding isinama ng CHED kung magkano ang kinikita ng mga eskwelahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending