Dennis: Ayoko namang pagsamantalahan si Maja! | Bandera

Dennis: Ayoko namang pagsamantalahan si Maja!

Ervin Santiago - May 19, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

HINDI ang tipo ni Dennis Trillo ang magsasamantala sa isang babaeng kakahiwalay lang sa kanyang boyfriend.

Natanong kasi ang Kapuso actor sa presscon kamakailan ng latest film niyang “You’re Still The One” under Regal Films and Star Cinema kung binalak ba niyang ligawan ang kanyang leading lady na si Maja Salvador habang ginagawa nila ang kanilang pelikula.

Ayon kay Dennis wala raw ligawang naganap, “E, alam ko kasi ang pinagdaanan niya, so ayoko namang mag-take advantage or anything, or samantalahin ang pagkakataon. Nandito kami para gumawa ng pelikula,” aniya.

Bilib din si Dennis sa professionalism ni Maja dahil kahit daw may pinagdaraanan ito sa kanyang personal na buhay ay hindi niya ito ipinaramdam sa mga katrabaho niya.

“Wala nga, e. Ang galing niya ngang magdala kung anuman ang pinagdadaanan niya. Very positive pa rin siya and yun, maganda rin na hindi naapektuhan ang mga trabaho niya na kailangan niyang gawin,” chika ni Dennis.

May nagtanong naman sa Kapuso actor kung ano ba ang mas gusto niyang sabihin ngayon: ang “You’re still the one” o “I want a new one.” May mga chika kasi na nagkabalikan na raw sila ng ex-GF niyang si Jennylyn Mercado.

“Ang hirap ng tanong, ha. Mahirap yung tanong siguro kasi, nandoon ako sa point na hindi ko kailangang mamili ng kahit na ano. Parang I’m just going with the flow.

Ginagawa ko lang ang mga bagay na kailangan kong gawin para maging masaya ako.” Mas trip ba niyang balikan ang nakaraan o mas gusto na niya ng bago? “Ano ba? Siguro ngayon, nandoon ako sa estado na hindi ko kailangang i-pressure ang sarili ko na mamili ng kahit sino at the moment.

Kaya mas walang pressure. Mas less obligation and responsibility.” Diretso namang sinabi ni Dennis na hindi sila nagkabalikan ni Jennylyn, “Wala, wala pa talaga.

Basta ang sa amin ngayon, kaming dalawa, ako personally, natutuwa lang na naging maayos ang lahat after ng mga pangyayari na matagal nang panahon.”

Pero posible bang maging sila uli ni Jen? “Well, sa buhay natin, maraming puwedeng mangyari na hindi natin alam talaga kung ano ang kahahantungan ng mga bagay-bagay.”

Kitang-kita naman sa aura ni Dennis na maligaya siya ngayon. Nagpapasalamat ang aktor dahil hanggang ngayon ay marami pa rin siyang trabaho, “Masaya, kasi maraming magagandang nangyayari sa buhay.

Sa projects, sunod-sunod na pelikula. After nito, may dalawa pa kong kailangang tapusin at saka ko pa lang sisimulan yung mga TV projects sa GMA, of course.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala namang problema, magaganda lang ang lahat ng nangyayari sa buhay ko,” sey pa ng Kapuso leading man.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending