Coco napili ng ABS-CBN para magbida sa ‘Ang Probinsiyano’ ni FPJ | Bandera

Coco napili ng ABS-CBN para magbida sa ‘Ang Probinsiyano’ ni FPJ

Reggee Bonoan - May 18, 2015 - 03:47 PM

coco martin

BONGGA si Coco Martin dahil siya nga ang napiling magbida sa bagong serye ng ABS-CBN na Probinsiyano na naging pelikula noon ni Da King, Fernando Poe, Jr..

Gagawing teleserye ng Dreamscape Entertainment ang Probinsiyano,  at si Coco nga ang bubuhay sa dating karakter ni FPJ, at isa sa magiging leading lady niya rito ay si Angeline Quinto na na-link din sa kanya noon. Kaya ang tanong namin, hindi kaya mabuhay ulit ang kanilang nakaraan? Ang Probinsiyano ang next project ng aktor pagkatapos ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures na napapanood tuwing Linggo ng gabi kung saan kasama naman niya si Julia Montes. Anyway, may special participation daw sa nasabing proyekto si ABS-CBN President at CEO Charo Santos-Concio. Kung ano ang magiging role niya at kung sinu-sino pa ang makakasama ni Coco, ay malalaman natin mamaya sa gaganaping pocket presscon ng Dreamscape. Tiyak na matatanong din kung bakit hindi na lang ginawang pelikula muli ang Probinsiyano para sa big screen ito mapanood, at tiyak naming isa sa mga irarason ng mga taong bubuo sa nasabing proyekto na mas maganda kung sa TV ito mapapanood para buong mundo ang makasubaybay. Ito rin kasi ang naging sagot ng mga taga-Star Creatives ng ABS-CBN sa TV remake ng Pangako Sa ‘Yo sa tanong kung bakit hindi na lang ito ginawang pelikula. Kung sabagay, sa sine, isang oras at kalahati lang ito mapapanood, samantalang kapag serye, ilang buwan itong mapapanood ng mga Pinoy. Kaya sa mga Coconatics, Coco-Jams, at iba pang fan clubs ni Coco, may bago na naman kayong susubaybayan gabi-gabi sa Primetime Bida. Tanong uli, may special participation din kaya sina Ms. Susan Roces at Sen. Grace Poe-Llamanzares sa TV remake ng pelikula noon ni FPJ?
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending