Hubad na katawan ni Daniel gamit na gamit
Ipalalabas na ang remake ng soap opera dati na pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Heromosa.
Obvious ang ginagawang pagpapaseksi ni Daniel Padilla sa remake. May mga eksenang nakahubad siya ng damit at pampakilig yata iyon sa fans niya.
May pressure ang pagsasama nina Daniel at Kathryn Bernardo sa remake dahil all-time high ang rating ng soap noon nina Kristine at Echo kaya naman effort na effort ang Dos na pag-initin ang televiwers by way of presenting Daniel in some shots na half-naked. Parang gusto nilang mag-level up ang character na ginagampanan ni Daniel.
Sadly, merong hindi nagkagusto sa bagong sexy image na ipino-project ni Daniel. One of them is this guy who said, “napanood ko na ang teaser, wag ipilit na sexy si daniel, nung panahon ni echo, mas define na body ni echo nyon, doon sa drum scene kita mo na, tapos parang miscast si angelica at si jodie, it would have been better kung sina gretchen and angel aquino, di kasi sophisticated sina angelica at Jodie.”
Aray ko! Ito naman, masyadong diretso sa komento!!! Pero true nga ang kanyang sinabi. Parang masyadong hard sell ang pagpapaseksi ni Daniel, ‘yun bang tipong he was pushed to do it.
Anyway, tiyak naman na magre-rate ang latest teleserye nina Daniel at Kathryn. There is no doubt na patataubin nito ang kalabang show sa kabilang network. Sila pa rin naman kasi ang pinakasikat na love team sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.