Angelica: Dahil nanay na niya ako, wasak na ang ilusyon ko kay Daniel! | Bandera

Angelica: Dahil nanay na niya ako, wasak na ang ilusyon ko kay Daniel!

Ervin Santiago - May 17, 2015 - 02:00 AM

angelica panganiban

WASAK na ang pangarap ni Angelica Panganiban na maging ka-loveteam ang Teen King na si Daniel Padilla.

Sa presscon kamakailan ng remake ng classic series na Pangako Sa ‘Yo na pagbididahan nga ngayon nina Daniel at Kathryn Bernardo, inamin ni Angelica na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang kontrabida role bilang Claudia Buenavista, ang karakter noon ni Jean Garcia sa original version.

Nanay ni Daniel ang gagampanan ni Angelica sa serye kaya nag-alangan siya nung una kung tatanggapin ba niya ito. Eight years lang kasi ang agwat ng edad nila ni Daniel sa totoong buhay – 28 si Angel at 20 naman si DJ.

“Actually ako, kung ako ang tatanungin, gusto ko na siyang gawin. Kaya lang, ako kasi, may mga kinu-consider akong mga tao. Kung ano sa tingin nila, opinyon nila.

“Kasi, hindi naman biro, first time kong gaganap ng mother role and hindi naman…hindi siya yung ganung 10 years old. Binata na siya, ‘te!” natawang sey ng aktres.

Hirit pa nito, “Nag-e-expect pa nga akong magka-movie pa kami, na loveteam kami. Wala na, tapos na ang pangarap ko! So, ako, iniisip ko, kaya ko bang hindi na makatrabaho si Daniel as a loveteam?”

“Pero seryoso ako, ha, seryoso ako du’n sa hindi sa loveteam. Pero kaya ko bang mapatunayan sa mga tao na mukha kaming mag-ina. So, tinanong ko si Tita Malou (Santos, Star Cinema managing director), ‘Believable po ba?’ Ang sagot ni Tita Malou, ‘Ako, naniniwala akong kaya mo.’

“So, parang yun ang pinakinggan ko, noong naniwala sa akin si Tita Malou. So, bakit ko ida-doubt ang sarili ko, ‘di ba?” ani Angelica. Sa mga nakunan nang eksena niya, paano niya ito ide-describe? “Actually ngayon, ini-enjoy ko lang siya.

‘Yung mga na-shoot namin at isu-shoot pa namin, kasi medyo kahit papaano, makikita ko rito ang lightness ng character ni Claudia.“So, nag-e-enjoy pa ako na may konting katatawanan.

Ako, nae-excite ako sa viewers na mapanood siya na may comedy, medyo tatanga-tanga. Nae-excite ako sa viewers na makilala ang bagong Claudia,” sey pa ng dyowa ni John Lloyd Cruz.

Hindi rin daw dadayain ang mga sampalan, sabunutan at sapakan nina Angelica at Jodi Sta. Maria sa PSY. Si Jodi naman ang gaganap na Amor Powers sa pagbabalik ng Pangako Sa ‘Yo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending