Ruby magdo-donate ng dugo para sa operasyon ni Dessa
Nakakatuwa naman ang kaibigan nating si Ruby Rodriguez. Alam n’yo bang regular blood donor pala ang TV host-comedienne?
Type A+ ang dugo ni Ruby, ang second most common sa lahat ng type ng dugo (Type O ang pinakap-common sa lahat) kaya very willing talaga siyang mag-donate sa sinumang nangangailangan ng kanyang blood hangga’t kaya ng kanyang katawan.
Sa ginanap na presscon recently para sa annual Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Convention (May 20 to 24), sinabi ni Ruby na balak niyang mag-donate ng dugo para sa singer na si Dessa na umaming merong anemia.
Kailangan daw kasi nitong masalinan muna ng dugo bago sumailalim sa isang surgical operation na tinatawag na hysterectomy (o pagtanggal ng uterus).
“Sabi ko nga, sure, I’m willing to donate, but let me know when to donate and where. Kasi merong time na hindi puwede mag-donate ang babae, alam niyo na yun, ‘di ba? So, ibig sabihin, bata pa ako!
“Basta sinasabi ko, let me know kaagad, baka mamaya, sa Tuguegarao ako ipa-donate. Teka muna, sandali naman, yung medyo malapit-lapit,” natatawang sey pa ni Ruby.
“I don’t mind kahit ‘di ko kilala, pero I’ve met Dessa. Basta let me know kung saang ospital ‘yan, let me know in advance,” dugtong pa nito.
Nanawagan pa nga si Ruby sa lahat ng mga Pinoy na regular ding mag-donate ng dugo dahil hindi lang sila makakatulong sa mga nangangailangan ng blood transfusion kundi magiging healthy pa sila.
“I really encourage everyone to donate, basta kaya ng sistema mo, huwag mo namang ibigay kung ikamamatay mo, ‘di ba? “Kasi, every three months, it’s good magpalit ng dugo, mag-produce ng bago yung system,” she added.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.