CRISTINE nagmukhang bading sa ‘bagong’ ilong | Bandera

CRISTINE nagmukhang bading sa ‘bagong’ ilong

|June 27,2012
facebook
share this

CRISTINE nagmukhang bading sa ‘bagong’ ilong

- June 27, 2012 - 03:17 PM

Ginawa nga ni Cristine Reyes ang public apology na hinihingi ng kanyang ate Ara (Mina), pero mukhang hindi pa rin ‘yun naging sapat para sa aktres, kuwestiyonable pa rin para kay Ara ang sinseridad ni Cristine nang gawin ‘yun.

Kung bakit naman kasi meron pang “if ever” na sinabi ang sexy actress, sa madaling salita, “kung sakali” ang ibig sabihin nu’n na siyempre’y hindi naman pasable para sa kanyang ate.

Anong kung sakali ang ibig sabihin ni Cristine, hindi pa ba naman sapat ang mga paninirang-puring ginawa nito sa kanyang ate, hindi pa ba naman aaray nang matindi du’n ang nakatatanda nitong kapatid?

Hihingi na rin lang ng paumanhin si Cristine, di sana’y itinodo na nito ‘yun, hindi ‘yung ganyan na nagparating nga ito ng panghihingi ng sorry sa kanyang ate pero meron pang “if ever” sa kanyang litanya.

Sabi naman ng isang kaibigan naming nakapanood sa panayam ni Cristine, “No offense meant sa mga bading, pero bakit naging ganu’n na ang itsura ni Cristine? Mukhang bading na siya, ang laki-laki ng ilong niya, nakakapanibago siyang tingnan ngayon!

“Mas bagay ang dating ilong niya na halatado rin namang ginawa, mas bagay sa mukha niya ‘yun, hindi tulad ngayon na baklang-bakla talaga ang itsura niya!” napapailing na sabi ng aming source.

Sa estado ng mga pangyayari ngayon ay mukhang matatagalan pa bago maresolbahan ang problema ng magkapatid, tuloy pa rin ang kanilang pagkakasuhan, lalo na’t wala namang nakikitang sinseridad si Ara Mina sa litanya ng kanyang kapatid.

“If ever” na maging sinsero na si Cristine Reyes sa panghihingi nito ng paumanhin ay saka lang siguro aaksiyon si Ara Mina, ‘yun ay “if ever” lang, ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending