Sen. Lito Lapid tatakbong Mayor ng Angeles City | Bandera

Sen. Lito Lapid tatakbong Mayor ng Angeles City

- May 12, 2015 - 03:10 PM

Lito Lapid

Lito Lapid

SINABI ni Sen. Lito Lapid na tatakbo sa pagka-senador ang kanyang anak na si dating Pampanga governor Mark Lapid sa 2016.

“Graduate (na ako), si Mark na lang ang suportahan nyo,” sabi ni Lapid.
Nakatakdang magtapos ang termino ni Lapid sa susunod na taon.

Ang batang Lapid ay siyang chief operating officer (CEO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA). Nagsilbi rin siyang gubernador ng Pampanga mula 2004 hanggang 2007.

Idinagdag ni Lapid na miyembro ang kanyang anak ng Lakas Party, bagamat maaaring tumakbo bilang independent candidate.

“Oo, tatakbo sya kahit independent yun. At least qualified naman sya. Talagang nag-aral e,” dagdag ni Lapid.

Tatakbo naman si Lapid ng mayor ng Angeles City.

“Hindi naman ako bagay dito e,’” dagdag ni Lapid nang tanungin kung nalulungkot siya sa kanyang pag-alis saSenado.

Ngunit nang tanungin kung anong aral ang nakuha niya matapos ang pagsisilbi ng 12 taon bilang senador, sinabi niya na, “Joke lang, tsamba tsamba lang po.

Nang magseryoso, sinabi ni Lapid na naging masaya siya ngunit laging nininerbiyos sa Senado.
“Syempre alam nyo na kapos ako sa pinag aralan e. Yung mga tanong, hindi ko masagot e di ba?” aniya.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Lapid na hindi nama siya tumigil sa pagtatrabaho bilang senador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending