KRIS type magdyowa ng chaka pero matalino | Bandera

KRIS type magdyowa ng chaka pero matalino

|June 26,2012
facebook
share this

KRIS type magdyowa ng chaka pero matalino

- June 26, 2012 - 04:21 PM

Kung mas gusto ni Vice   Ganda ang lalaking  bobito basta gwapo

TAWA kami nang tawa kahapon ng umaga habang pinanonood ang unang live anniversary episode ng morning show ni Kris Aquino na Kris TV! E, pagsamahin ba naman sina Vice Ganda at Eugene Domingo sa isang nakakalokang chikahan, di ba naman!

Kahit nga si Kris ay walang ginawa kundi ang humalakhak nang humalakhak sa mga punchlines ng dalawang magaling na komedyante, lalo na nu’ng pag-usapan nila ang tungkol sa pagkakaroon ng dyowa.

Ibinuking ni Kris na may boyfriend daw ngayon si Vice na isang smart guy, may trabaho at cute.

Nakilala niya raw ito nu’ng minsang magkita sila at mag-dinner.

Natutuwa nga raw ang TV host-actress dahil mukhang hindi naman daw manggagamit ‘yung lalaki dahil nga hindi naman daw ito umaasa nang bonggang-bongga sa kanyang friendship. Nu’ng tinanong naman ni Kris sina Vice at Uge kung ano ang pipiliin nila, isang lalaking hindi kaguwapuhan pero matalino o gwapo nga pero slow (read: hindi katalinuhan).

Ang sagot ni Vice, “Siyempre, ‘yung gwapo pero hindi matalino. Ganito na nga itsura ko, tapos pangit pa ‘yung dyowa ko, ‘no!

Tsaka kapag hindi matalino, hindi na makakapag-isip ‘yan na maghanap ng iba! Ha-hahaha!”

Chika naman ni Uge, “Ako, okay lang kahit ano, basta nagsasalita.

‘Yung nakakausap mo nang matino.

Ayoko nu’ng guwapo nga, pero ngitngit na ngitngit ka na sa galit dahil sobrang slow! Tsaka ‘yung sa itsura, matatanggap mo naman ‘yan habang tumatagal, pero ‘yung utak, ‘yun na ‘yun, e!”

Napa-agree naman si Kris sa sinabi ni Uge, “Ay, pareho tayo! Ako din, ganu’n.

Kahit na hindi kaguwapuhan basta intelligent, di ba? Ha-hahaha! Pero siyempre, mas okay pa rin ‘yung gigising ka tuwing umaga na cute ‘yung lalaking katabi mo! Ha-hahaha!”

In fairness, winner ang first anniversary episode ng Kris TV kahapon ng umaga.

Tama nga ang sabi ng aming pinsan na si Ehl Mojica ng Cainta, Rizal na masarap gumising sa umaga kapag mga ganu’ng eksena agad ang mapapanood mo sa Kris TV, nakakaganang simulan ang bagong araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong umaga, tutukan naman ang pakikipagchikahan ni Kris sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at bukas hanggang Biyernes, mapapanood naman ang inaabangang “Kris Reality TV” sa Ilocos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending