May nagsabi sa amin na official na raw na magkarelasyon sina Phil Younghusband at Angel Locsin.
Pagkatapos magpatumpik-tumpik ang dalawa ay heto na nga’t matatawag na silang opisyal na magkasintahan.
Sinagot daw ni Angel si Phil noong May 27 pa kaya siguradong sa mga susunod na interview nila ay diretso nang masasabi ni Angel kay Phil ang mga katagang “officially yours”.
May alam kami kung bakit ngayon lang sinagot ni Angel si Phil, pero hindi na namin sasabihin. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending