SHAINA, ANGELICA nag-isnaban sa magazine pictorial | Bandera

SHAINA, ANGELICA nag-isnaban sa magazine pictorial

|June 25,2012
facebook
share this

SHAINA, ANGELICA nag-isnaban sa magazine pictorial

- June 25, 2012 - 04:41 PM

Talaga palang all is not well between Angelica Panganiban and Shaina Magdayao.

Sa pictorial ng Star Magic artists para sa isang magazine ay nag-isnaban ang dalawa.

Nasa isang tabi lang daw si Shaina at hindi nakipagchikahan sa kapwa niya Star Magic talents habang si Angelica naman ay super chika sa mga kasamahan niya.

Hindi man ipinapakita ay masasabing masama raw talaga ang loob ni Shaina kay Angelica.

Naniniwala kasi siyang malaki ang kinalaman nito sa kanilang break-up ni John Lloyd Cruz.

Shaina, a source told us, believe there’s more than friendship between Angelica and her ex-boyfriend na si John Lloyd.

Isang malapit kay Shaina ang nagsabi sa aming may ugnayan naman talaga sina Angelica at Lloydie, hindi lang nila ito maamin dahil they were just waiting for the right time.Pangit nga naman kung aamin sila bigla, eh, kakahiwalay lang nila pareho.

Siyempre, marami ang mag-iisip na ang dali naman nilang maka-move on sa kanila-kanilang break-up sa kani-kanilang partner.

Kaya huwag na tayong magtaka kung isang araw ay biglang lumantad ang dalawa at amining, totoo ngang magdyowa na sila.

Pero siyempre, sasabihin nila, ngayon lang sila nagkadebelopan para hindi matawag na mga “taksil”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending