Judy Ann, Ryan nagbakasyon na parang mga ‘baboy’ sa Tagaytay
IPINAGDASAL pala talaga ni Judy Ann Santos ang makagawa ulit ng episode sa longest drama anthology in Asia na Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos. Pitong taon na rin naman kasi ‘yung huling episode na ginawa ni Juday sa MMK titled “Lason.”
Ayon kay Juday, maraming rason kung bakit daw inabot ng pitong taon bago siya nakagawa ulit ng episode sa MMK. Una na riyan ang schedule. Meron din daw pangyayari na minsan magti-taping na siya biglang mapa-pack-up dahil nagkasakit siya or may problema sa part ng production. At pangatlo, dahil din sa bagyo.
“Hindi lang talaga nag-a-align ‘yung stars, in the past years. But there was always a time na pwede akong mag-guest (pero) bigla na lang napa-pack-up at the last minute. Ito talaga ‘yung nag-push through, idinasal ko rin naman na parang, ‘Lord, you know, kung gusto mo ‘kong gumawa ng MMK, bahala ka na. Matutuloy siya kung gugustuhin mo siya.’
“So, natuloy naman siya. Mainit, maulan, lapot, mabaho kami. Pero tuluy na tuloy naman kami and happy naman kaming natapos,” lahad ni Juday sa solo presscon niya para sa Mother’s day offering ng MMK ngayong gabi sa ABS-CBN.
Inamin din ni Juday na na-miss niya ang pag-arte. For two years kasi ay nag-concentrate siya sa pagho-host ng TV show.
“Not that I am saying na hindi ako masaya. Sobrang saya nga ng hosting kaya nakalimutan kong umarte. ‘Yung ngayon, in all honesty, noong nakuha ko ‘yung script ng MMK dalawang araw akong hindi nakatulog kasi inisip ko kung paano ko siya itatawid. Kasi insiip ko, ‘Bakit ito ang istoryang napili ko? Ang hirap-hirap pala ng role ko rito. Pwede namang iba.’ But I realized na dapat siyang gawin to get inspiration to other mothers as well out there,” kwento pa niya.
Nanibago raw siya sa unang araw ng taping at nanginig ang kanyang laman. Gagampanan ni Juday ang karkater ni Belen na isang ina na walang ibang nais kundi mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.
Dahil sa bisyo at mga kapabayaan ng kanyang asawa, mapipilitan si Belen na lumayo sa kanyang pamilya para sa isang training sa Maynila. Ngunit sa kanyang pagbalik matapos ang tatlong buwan, gumuho ang mundo ni Belen nang matukalsana niya na ibinenta ng kanyang asawa ang kanilang apat na anak.
Makakasama rin ni Juday dito sina Ian de Leon, Sam Concepcion, Kristel Fulgar, Celine Lim, Mariel Pamintuan, Eva Darren, Neri Naig, Raquel Montessa at Tom Olivar sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Hindi lang pang-Mother’s day episode kundi birthday presentation na rin para kay Juday ang episode niya sa MMK this Saturday. Her birthday is on May 11 pero magse-celebrate raw siya and her family with a simple dinner.
“Then, siguro ang pinakamagandang birthday gift na matatanggap ko this year is ‘yung ma-feature ng Sofitel ‘yung mga, some of the recipes from my cook book this Mother’s day. So, normally, during my birthday wala talaga ako dito.
“Palagi akong nasa ibang probinsya or nasa ibang bansa, kasi ‘yun talaga ‘yung matagal ko ng…alam ni Tito Alfie (Lorenzo, her manager) ‘yan. Nakapaalam ‘yan decades ago sa kanya, talagang nawawala ako kapag birthday ko,” tawa ni Juday.
She felt daw that she had to be here dahil marami siyang kailangang gawin. Una nga ‘yung cook book niya and then itong MMK.
“Parang it’s high time na bumalik naman ako sa drama and at the same time parang it’s time to face the music na you know, it’s not all the time na you can leave the country and spend birthdays. Ngayon, it’s time to give back at ipakita sa mga tao that I really appreciate the support,” ani Juday.
Last month ay nag-celebrate naman sila ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo ng kanilang sixth wedding anniversary sa San Antontio sa Tagaytay last April 28.
“Nag-brunch lang kami doon tapos nagpamasahe. Buhay baboy, kasi kumain, natulog, kumain, natulog ulit sa masahian. Tapos umuwi kami, sinundo namin ang mga anak namin, kumain ulit kami. Tapos natulog ulit kami,” natatawang kwento niya.
Ganu’n lang? Walang sex? “Walaaa!!! Kinabukasan na lang ‘yun. Ha-hahaha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.