Luis nagkadyowa ng aktres na naging lover ng tibo | Bandera

Luis nagkadyowa ng aktres na naging lover ng tibo

Ervin Santiago - May 08, 2015 - 02:00 AM

rhian ramos

TILA nakaka-relate nga ang Kapuso hunk actor na si Luis Alandy sa karakter nito sa tomboyserye ng GMA 7 na The Rich Man’s Daughter.

Gagampanan ni Luis ang papel ng isang young businessman na ipinagpalit ng kanyang mapapangasawa (Rhian Ramos) sa isang tomboy (Glaiza de Castro).

Sa presscon ng The Rich Man’s Daughter kamakailan, natanong si Luis kung na-experience na niyang magmahal ng isang babae pero huli na nang malaman niyang tomboy pala ito? “Wala naman. Kasi ako naman, well, like years ago na…hindi naman ako yung I always go on a date with someone.

“Siguro noong younger days ko. But, I have relationship din naman,” pahayag ng binata.

Pero hindi naman dinenay ni Luis na nagka-girlfriend na siya na nagkaroon ng lesbian relationship bago naging sila. Ang tinutukoy niya ay ang ex-dyowa niyang si Desiree del Valle.

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal ang pakikipagrelasyon ng Kapamilya actress noon sa isang tibo. May mga tsismis pa nga na nagpakasal ang aktres sa lesbian lover niya sa Las Vegas na mariin namang itinanggi ni Desiree.

Sey ni Luis, “Kasi, crush ko siya dati pa, Tabing-Ilog pa lang.”

Kaya nga sa seryeng The Rich Man’s Daughter in a way ay parang may pagkakatulad nga ito sa mga na-experience niya, “Hindi naman sa nakaka-relate kasi iba naman ang sitwasyon, iba ang mga nangyari. Pero in terms of being in a relationship with lesbian, parang ganu’n.”

Tulad din ba siya ng ibang lalaki na may attraction sa mga babaeng may pagkatibo o boyish ang personality? “Boyish na term na sporty o being adventurous or just being game kung pumunta man ng ganito o ganyan, nakaka-attract talaga.

“Kumbaga, you get to know the person. Pero siguro kung hitsura, depende. May mga boyish na magaganda rin talaga. Pero yung iba kasi, arteng lalaki na talaga,” chika pa ni Luis.

Samantala, magsisimula na sa May 11 ang The Rich Man’s Daughter sa direksiyon ni Dominic Zapata. Makakasama rin dito sina Mike Tan, Katrina Halili, Paolo Contis, Chynna Ortaleza, Pauleen Luna, TJ Trinidad, Al Tantay, Gloria Romero at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, may nakapagsabi sa amin na almost P16 million daw ang nasayang sa budget ng production para sa nasabing serye ng Kapuso network dahil na rin sa biglang pag-atras ni Marian Rivera na pinalitan nga ni Rhian Ramos.

Marami-rami na rin kasing natapos na eksena si Marian sa nasabing serye na kailangang ulitin ni Rhian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending