SSS benefits hiling ng kapatid | Bandera

SSS benefits hiling ng kapatid

Liza Soriano - May 08, 2015 - 03:00 AM

DEAR Aksyon Line,
Gusto ko lang po sanang itanong ang tungkol sa kapatid ko na si Manuel dela Torre na namatay na ngunit hindi naman siya kasal sa kanyang asawa at may isa silang anak. Tanong ko lang po kung pwede ako, bilang ka-patid ng miyembro ng SSS, ang kumuha ng benefits para sa kapatid ko . Wala na rin kaming magulang.
Ang name ng ka-patid ko kay MANUEL GUANEZO DELA TORRE JR.
Lydia
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms lydia . Gusto ko lang sana na malaman kung menor de edad pa ang anak ng kapatid o kung hindi na.

Kung menor de edad ang anak kahit hindi siya kasal sa ina ng bata ay maaari siyang mag claim ng benefits.

Kayo po ay pinapayuhan na magtungo sa pinakamalapit na sa-ngay ng SSS para malaman ang benepisyong maaaring makuha ng pamangkin.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending