Pacman saludo kay Pacmom: Hindi niya kami pinabayaan! | Bandera

Pacman saludo kay Pacmom: Hindi niya kami pinabayaan!

Cristy Fermin - May 08, 2015 - 12:31 AM

Napakaswerteng ina ni Mommy Dionisia Pacquiao.

Nirerespeto at mahal na mahal siya ng kanyang mga anak, lalo na ng Pambansang Kamao, ‘yun ang maganda kapag nakita ng mga anak ang matinding sakripisyo ng ina para lang sila buhayin.

Nirerespeto rin ni Pacman ang kanyang ama, wala kang maririnig na anumang hindi kagandahang salita mula kay Manny Pacquiao patungkol sa kanyang ama na nakahiwalay ng kanyang nanay, ‘yun ang kahanga-hanga sa People’s Champion bukod sa pamatay nitong kamao.

Sabi ni Mommy Dionisia sa minsang pagkukuwentuhan namin, “Lahat ng mga anak ko, hindi nagutom. Umaga pa lang, nagtatrabaho na ako. Nagtitinda ako ng kung anu-ano, madaling-araw pa lang, naghahanap na ako ng maipanglalaman sa bituka nila.

“Si Manny, bata pa lang, tumutulong na sa akin, nagtinda siya ng pandesal, nagtrabaho sa gasolinahan, nangangahoy pa siya sa bundok para maibentang panggatong,” pagbabalik-tanaw ng kilala na ngayong Pacmom.

At pinatutunayan ‘yun ng Pambansang Kamao, nakita nito ang matinding pagsasakripisyo ng kanyang ina, kaya naman ngayon kinasihan na ng kapalaran ang anak ay matinding suporta ang ibinibigay nito sa kanyang nanay.

“Matindi ang mama ko, matapang siya, saka hindi niya kami pinabayaan. Maghapon siyang trabaho nang trabaho, hindi uso kay mama ang pahinga,” minsang sinabi sa amin ni Pacman.

‘Yun ang dahilan kung bakit naging napakaganda ang kapalaran ni Pacman, mabait itong anak at kapatid, hindi sinasarili ng Pambansang Kamao ang mga biyayang dumarating sa kanya.

“Kung ano ang meron ako, basta kaya ko, go lang nang go! Para everybody happy!” madalas na bukambibig ng boksingerong pinagpala ng panahon at kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending