Alert Level 1 itinaas sa Bulkang Bulusan; 1,100 katao inilikas
INILIKAS ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang 1,102 katao sa bayan ng Irosin matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs) ang Alert level 1 sa Bulkang Bulusan.
Sinabi ni Raden Dimaano, head ng Sorsogon PDRRMO na inilikas ang mga apektadong mga indibidwal mula sa 210 pamilya pasado alas-8 ng umaga ngayong araw mula sa barangay Cogon, na apektado ng ash fall mula sa Bulkang Bulusan mula pa noong Miyerkules ng gabi.
Dinala ang mga apektadong pamilya sa Gallanosa National High School sa Barangay San Pedro sa kaparehong bayan.
Ang Cogon ay nasa loob ng 4-kilometer-radius permanent danger zone ng bulkan kung saan sakop din ang mga barangay Bolos, Tinampo at Monbon, na pawang mga parte ng timog kanlurang bahagi ng bulkan, ayon kay Dimaano.
“Out of the four villages, Cogon is the most affected because of the wind direction. The evacuation efforts is in consonance with our critical preparedness because of the expected rainfall due to typhoon Dodong that would cause stream and lahar flow in the valleys and along river or stream channels. We are expecting heavy rainfall tomorrow,” sabi ni Dimaano.
Sa pinakahuling bulletin, sinabi ng Phivolcs na ganap na alas-9:46 ng gabi noong Mayo 6, naitala ang ash explosion na umabot sa 250 metro ang taas at tumagal ng 3.5 minuto.
Ito na ang ikalawang ash explosion ngayong linggo. Naunan nang naitala ang ash explosion noong Mayo 1, kung saan umabot ito ng 200 metro ang taas at tumagal ng limang minuto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.