WINASAK ng 15-anyos na si Maurice Sacho Ilustre ang Palarong Pambansa record sa secondary boy’s 200m butterfly para ipakita ang kahandaan na makapagdomina uli sa swimming competition sa 2015 edisyon na ginagawa sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City.
Lumangoy ang mag-aaral ng La Salle Zobel at kinakatawan ang National Capital Region ng 2:09 sa karera para sa heat ng 13-17 age bracket kahapon ng umaga para tabunan ang dating record na 2:09.98 na ginawa ni Carlo Piccio noong 1998.
“Ito po ang produkto ng non-stop training ko. Last year ay nakasama ako sa relay team nag-break ng record at ito ngayon ang unang individual record ko.
Masaya dahil alam kong pinaghirapan ko ito,” wika ni Ilustre na nagtala ng 7-of-7 gold medals sa 2014 Palaro sa Laguna.
Ang finals ay ginawa kahapon at si Ilustre ay magtatangka na bigyan ang NCR ng dalawang ginto dahil pasok din siya sa 400m freestyle.
Si Martin Seth Isaak ng NCR ay gumawa rin ng bagong Palaro record sa 100m backstroke (1:06.38) sa elementary boys.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.